The Roman Catholic Parish of San Antonio de Padua 2024

The Roman Catholic Parish of San Antonio de Padua 2024 Welcome to the one and official page of San Antonio de Padua Parish - Los Baños, Laguna.

Managed by Loaves of Love Media, Social Communications Commission

A SPECIAL MINI CONCERT HIGHLIGHTSTheme: An Evening with Mary: A Song and Dance of Praise, Love and Thanksgiving Ating ba...
10/09/2026

A SPECIAL MINI CONCERT HIGHLIGHTS
Theme: An Evening with Mary: A Song and Dance of Praise, Love and Thanksgiving

Ating balikan ang ating isinagawang Pagtatanghal bilang pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria at pagdiriwang ng ika-36 na Anibersaryo ng Pagkakatatag at ika-16 na Anibersaryo ng Pagkakatalaga ng ating Parokya noong ika-4 ng Setyembre 2026.

09/09/2026
KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIANoong ika-8 ng Setyembre 2026, ating ipinagdiwang ang Kapistahan ng ...
09/09/2026

KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

Noong ika-8 ng Setyembre 2026, ating ipinagdiwang ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng ating Kura Paroko, Reb. Pd. Leandro L. Bariring Jr.

Si Maria ay kaisa natin sa ating patuloy na pananalangin lalo't higit sa ating mga intensyon at mga kahilingan. Nawa, sa tulong ng Mahal na Birheng Maria, matuto nawa tayong sumunod sa Diyos gayundin ang patuloy na pagmamahal para sa kapwa.

Ave Maria Purisima, sin pecado concebida

KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA Ngayong ika-8 ng Setyembre, buong galak at pasasalamat nating ipina...
07/09/2026

KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

Ngayong ika-8 ng Setyembre, buong galak at pasasalamat nating ipinagdiriwang ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ang mapagpakumbabang lingkod ng Diyos at Ina ng ating Panginoong Hesukristo. Ang kanyang pagsilang ay tila bukang-liwayway na naghatid ng pag-asa

Maging kagaya nawa tayo ng Mahal na Birheng Maria na mayroong pag-asa, pag-ibig, at may pusong mapagpakumbaba. Hilingin natin ang kaniyang patnubay at gabay sa landas na ating tinatahak.

Ave Maria Purisima, sin pecado concebida

-----------------------------------------------------------------------------

Misa para sa Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria

Banal na Misa - 6:00 PM
Ang lahat ay inaanyayahang magdala ng bulaklak na iaalay para sa Mahal na Birhen.


07/09/2026

[Sep 7] A blessed birthday, Fr. Diwane Cacao!

IKALAWANG ARAW NG TRIDUO BILANG PAGHAHANDA SA IKA-36 NA KANONIKAL NA PAGKAKATATAG AT IKA-16 NA ANIBERSARYO NG PAGKAKATAL...
07/09/2026

IKALAWANG ARAW NG TRIDUO BILANG PAGHAHANDA SA IKA-36 NA KANONIKAL NA PAGKAKATATAG AT IKA-16 NA ANIBERSARYO NG PAGKAKATALAGA NG PAROKYA NI SAN ANTONIO DE PADUA

Lubos na nagpapasalamat ang buong komunidad ng Parokya ni San Antonio de Padua sa ating Obispo Emeritu ng Diyosesis ng San Pablo, Lubhang Kagalang-galang Buenaventura M. Famadico, D.D sa pamumuno ng Banal na Misa na ginanap noong ika-30 ng Agosto 2026



Mga Larawan | 23rd Ordinary Time 🌿🌱Session of Creation 2026Ngayong Linggo, habang ipinagdiriwang natin ang Panahon ng Pa...
06/09/2026

Mga Larawan | 23rd Ordinary Time
🌿🌱Session of Creation 2026

Ngayong Linggo, habang ipinagdiriwang natin ang Panahon ng Paglikha, inaanyayahan tayong muling tingnan ang isang bagay na madalas nating ipinagwawalang-bahala: ang tubig. Iniinom natin ito, naliligo rito, ginagamit ito sa pagtatanim ng ating pagkain, at umaasa rito araw-araw. Ngunit ang temang "Buhay na Tubig" ay nagpapaalala sa atin na ang tubig ay higit pa sa isang pangangailangan para sa pisikal na buhay. Maaari rin itong maging isang makapangyarihang larawan ng presensya, biyaya, at nagpapanibagong pag-ibig ng Diyos.

Sa taong ito, gagabayan tayo ng pangitain ni propeta Ezekiel (47:1–12): isang ilog na dumadaloy mula sa templo ng Diyos, na walang tigil sa paglago at nagdadala ng buhay kung saan tila walang buhay ang lahat.

Ang tubig ay nagpapagaling, nagpapanumbalik, at nagpapaunlad sa sangnilikha. Ngunit hinahamon din tayo nito: kilalanin ang pinsala sa ekolohiya, yakapin ang ating pagkakaugnay-ugnay, at ilubog ang ating sarili sa responsibilidad ng pangangalaga at pagpapanumbalik ng ating Karaniwang Tahanan.

IKA-36 NA KANONIKAL NA PAGKAKATATAG AT IKA-16 NA ANIBERSARYO NG PAGKAKATALAGA NG PAROKYA NI SAN ANTONIO DE PADUANoong ik...
05/09/2026

IKA-36 NA KANONIKAL NA PAGKAKATATAG AT IKA-16 NA ANIBERSARYO NG PAGKAKATALAGA NG PAROKYA NI SAN ANTONIO DE PADUA

Noong ika-1 ng Setyembre 2026, ating ginugunita ang Anibersaryo ng Pagkakatatag at Pagkakatalaga ng ating Parokya. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng Episcopal Vicar ng Ikalawang Distrito, Reb. Pd. Francis Eugene Fadul kasama ang ating Kura Paroko, Reb. Pd. Leandro L. Bariring Jr.

Nawa, ang ating Parokya ay patuloy na lumago sa pagmamahal, pagkakaisa, at pagtutulungan upang mas lumawak ang ating mapagsisilbihan gayundin upang mas maging matibay ang ating pananalig sa ating Panginoong Hesukristo.

At sa tulong ni San Antonio de Padua, nawa ay mahanap ang mga nawawala at matulungan ang mga nahihirapan.

San Antonio de Padua, ipanalangin mo kami!

D-DAY | MAMAYA NA! 🩵✨AN EVENING WITH MARY 🌹Ang Parokya ni San Antonio de Padua ay magsasagawa ng Mini Concert na may tem...
04/09/2026

D-DAY | MAMAYA NA! 🩵✨

AN EVENING WITH MARY 🌹

Ang Parokya ni San Antonio de Padua ay magsasagawa ng Mini Concert na may temang: "An Evening with Mary: A Song and Dance of Praise, Love, and Thanksgiving." Isang Marian Mini-Concert ngayong ika-4 ng Setyembre 2026.

Ito ay gaganapin sa loob ng ating Parokya at magsisimula sa ganap na ika-7 ng gabi. Ang konsyertong ito ay upang gunitain ang pagdiriwang ng ating ika-36 na Anibersaryo at ika-16 na Pagkakatatag ng ating Parokya kasabay ng pagdiriwang natin para sa nalalapit na kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Ang tickets ay nagkakahalagang 100 pesos at ito ay mabibili sa opisina ng ating Parokya. Ang proceeds nito ay para sa mga kinakailangang instrumento ng Parish Liturgical Music Ministry gayundin para sa iba pang mga kinakailangan ng ating Parokya.

Maki bahagi sa isang gabing puno ng saya at musika. Grab your tickets now!



IKATLONG ARAW NG TRIDUO BILANG PAGHAHANDA SA IKA-36 NA KANONIKAL NA PAGKAKATATAG AT IKA-16 NA ANIBERSARYO NG PAGKAKATALA...
03/09/2026

IKATLONG ARAW NG TRIDUO BILANG PAGHAHANDA SA IKA-36 NA KANONIKAL NA PAGKAKATATAG AT IKA-16 NA ANIBERSARYO NG PAGKAKATALAGA NG PAROKYA NI SAN ANTONIO DE PADUA

Ngayong ika-31 ng Agosto 2026, ang Banal na Misa ay pinangunahan ng ating Kura Paroko, Reb. Pd. Leandro L. Bariring Jr.

Address

Lopez Avenue, Brgy. Batong Malake
Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Roman Catholic Parish of San Antonio de Padua 2024 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share