The Lord God Almighty Flock, Family of the living God

The Lord God Almighty Flock, Family of the living God Our mission is to preach the good news of Salvation, and to Glorify our heavenly Father... this is not a business group.

20/09/2020

2 Timoteo 4:16-18
[16]Sa unang pagharap ko sa hukuman ay walang sumama sa akin; pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos.
[17]Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang makapangaral nang lubusan sa lahat ng Hentil, at ako'y naligtas sa tiyak na kamatayan.
[18]Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.

19/09/2020

2 Timoteo 4:2-5
[2]ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
[3]Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig.
[4]Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga alamat.
[5]Ngunit ikaw, maging mahinahon ka sa lahat ng oras, magtiis ka sa panahon ng kahirapan, gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Magandang Balita at pagbutihin mo ang iyong paglilingkod.

18/09/2020

THE PROTESTANT WHO WOULD PRAY THE HAIL MARY (A true story)
A little six-year-old Protestant boy had often heard his Catholic companions reciting the prayer "Hail Mary." He liked it so much that he copied it, memorized it and would recite it every day. "Look, Mommy, what a beautiful prayer," he said to his mother one day.
"Never again say it," answered the mother. "It is a superstitious prayer of Catholics who adore idols and think Mary a goddess. After all, she is a woman like any other. Come on, take this Bible and read it. It contains everything that we are bound to do and have to do." From that day on the little boy discontinued his daily "Hail Mary" and gave himself more time to reading the Bible instead.
One day, while reading the Gospel, he came across the passage about the Annunciation of the Angel to Our Lady. Full of joy, the little boy ran to his mother and said: "Mommy, I have found the 'Hail Mary' in the Bible which says: 'Hail full of grace, the Lord is with thee, blessed art thou amongst women.' Why do you call it a superstitious prayer?"
On another occasion he found that beautiful Salutation of St. Elizabeth to the Virgin Mary and the wonderful canticle MAGNIFICAT in which Mary foretold that "the generations would call her blessed."
He said no more about it to his mother but started to recite the "Hail Mary" every day as before. He felt pleasure in addressing those charming words to the Mother of Jesus, our Savior.
When he was fourteen, he one day heard a discussion on Our Lady among the members of his family. Every one said that Mary was a common woman like any other woman. The boy, after listening to their erroneous reasoning could not bear it any longer, and full of indignation, he interrupted them, saying:
"Mary is not like any other children of Adam, stained with sin. No! The Angel called her FULL OF GRACE AND BLESSED AMONGST WOMEN. Mary is the Mother of Jesus Christ and consequently Mother of God. There is no higher dignity to which a creature can be raised. The Gospel says that the generations will proclaim her blessed and you are trying to despise her and look down on her. Your spirit is not the spirit of the Gospel or of the Bible which you proclaim to be the foundation of the Christian religion."
So deep was the impression which the boy's talk had made that his mother many times cried out sorrowfully: "Oh my God! I fear that this son of mine will one day join the Catholic religion, the religion of Popes!" And indeed, not very long afterwards, having made a serious study of both Protestantism and Catholicism, the boy found the latter to be the only true religion and embraced it and became one of its most ardent apostles.
Some time after his conversion, he met his married sister who rebuked him and said indignantly: "You little know how much I love my children. Should any one of them desire to become a Catholic, I would sooner pierce his heart with a dagger than allow him to embrace the religion of the Popes!"
Her anger and temper were as furious as those of St. Paul before his conversion. However, she would change her ways, just as St. Paul did on his way to Damascus. It so happened that one of her sons fell dangerously ill and the doctors gave up hope of recovery. Her brother then approached her and spoke to her affectionately, saying:
"My dear sister, you naturally wish to have your child cured. Very well, then, do what I ask you to do. Follow me, let us pray one 'Hail Mary' and promise God that, if your son recovers his health, you would seriously study the Catholic doctrine, and should you come to the conclusion that Catholicism is the only true religion, you would embrace it no matter what the sacrifices may be."
His sister was somewhat reluctant at the beginning, but as she wished for her son's recovery, she accepted her brother's proposal and recited the "Hail Mary" together with him. The next day her son was completely cured. The mother fulfilled her promise and she studied the Catholic doctrine. After long preparation she received Baptism together with her whole family, thanking her brother for being an apostle to her.
The story was related during a sermon given by the Rev. Fr. Tuckwell. "Brethren," he went on and said, "the boy who became a Catholic and converted his sister to Catholicism dedicated his whole life to the service of God. He is the priest who is speaking to you now! What I am I owe to Our Lady. You, too, my dear brethren, be entirely dedicated also to Our Lady and never let a day pass without saying the beautiful prayer, 'Hail Mary', and your Rosary. Ask her to enlighten the minds of Protestants who are separated from the true Church of Christ founded on the Rock (Peter) and 'against whom the gates of hell shall never prevail.'"
“Immaculate Heart of Mary, pray for us now and at the hour of our death.”
"Continue to pray the Rosary every day."
** Please Share this if you love Mother Mary.

16/09/2020

Dakilang Diyos na nabubuhay MAGPAKAILANMAN,
Diyos na totoo, Banal ng Israel, Sa iyo AMA na ang pag ibig ay hindi kumukupas, Sa Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob.
Muli sa gabing ito ay umaamot ako ng iyong habag at awa, ipagpatawad mo nawa ang aming mga kasalanan ang aming mga pagkukulang, kahinaan, pag aalinlangan, ang mga bagay na dapat naming ginawa subali't hindi nagawa, mga bagay na hindi nararapat na gawin ngunit aming patuloy na ginagawa.
Linisin mo po kami, ang bansang ito ng Pilipinas sa lahat ng aming karumihan at pagindapatin mo kami sa paglapit sa banal na trono ng iyong habag at awa. Ipagkaloob mo nawa AMA na iunat ang iyong mapagpalang kamay at sa dakilang pangalan ng anak mong si Hesus ay pawiin na ang anumang kamandag, bisa o kapangyarihan ng covid virus o ng alin mang mga virus na lalaganap sa bansang ito maging sa buong daigdig.
PAGALINGIN MO NA PO ANG LAHAT NG NAG POSITIVE SA COVID VIRUS...
Loobin mo nawa na maibalik na sa normal ang aming pamumuhay, ang ekonomiya at ang mga hanap buhay ng mga mamamayan.
Lingapin mo kami dakilang AMA. Kalingain mo kami, gabayan at ilayo ang buong bansang ito ng Pilipinas sa kapahamakan na dulot ng kalikasan, sa mga abusado at mapang alipin na kawani ng pamahalaan, sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan, sa mapang linlang na pamunuan, sa mga overpricing, sa mga mapag malabis sa mahihirap na mamamayan.
DAKILANG Diyos gamutin mo nawa ang bansang ito at muling gawing dakilang bansa, isang bansa na ikaw ang Diyos at sinasamba at ikaw din ang naka agapay.
Salamat po AMA sa pagdinig mo sa panalangin na ito, sa mga biyaya at pagiingat sa aming lahat.
Ang lahat ng ito ay aming samo at dalangin sa pangalan ni Jesus ang iyong mahal na Anak at lingkod.
Amin ng inaangkin na tinugon mo na ang mga dalangin na ito kaya ibinabalik ng muli sa iyo ang lahat papuri, pagdakila ang pagluwalhati. TO GOD BE THE GLORY..... AMEN!!!!

14/09/2020

Mga Taga-Galacia 1:3-5
[3]Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
[4]Inialay ni Jesu-Cristo ang kanyang sarili dahil sa ating kasalanan ayon sa kalooban ng ating Diyos Ama upang mahango tayo sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutang ito.
[5]Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen.

13/09/2020

2 Mga Taga-Corinto 9:6-8,10-13
[6]Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami.
[7]Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.
[8]Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.
[10]Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob.
[11]Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.
[12]Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos.
[13]Ang bukás-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos.

13/09/2020

WATCH FOR THE WORD OF THE LIVING GOD, BE BLESSED, BE HEALED, BE GUIDED and BE SAVED....soon...

13/09/2020

2 Mga Taga-Corinto 8:9-15
[9]Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, kahit na mayaman, naging mahirap siya upang mapayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging mahirap.
[10]Kaya ito ang payo ko, ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-iipon ng kaloob na sinimulan ninyo noon pang isang taon. Kayo ang nanguna, hindi lamang sa pagsasagawa nito kundi maging sa pagpapanukala.
[11]Kaya't ituloy na ninyo ito! Ang kasigasigang ipinakita ninyo noon ay ipagpatuloy ninyo hanggang sa matapos; magbigay kayo ayon sa inyong makakaya.
[12]Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong nakayanan; hindi niya hinihintay na magbigay kayo nang hindi ninyo kaya.
[13]Hindi sa ibig kong guminhawa ang iba at mabigatan naman kayo, kundi upang matulungan ninyo ang isa't isa.
[14]Masagana kayo ngayon; marapat lamang na tulungan ninyo ang mga nangangailangan. Kung kayo naman ang mangailangan at sila'y sumagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa gayon, pareho kayong nakatulong sa isa't isa.
[15]Tulad ng nasusulat, “Ang kumuha ng marami ay hindi lumabis, at ang kumuha ng kaunti ay hindi naman kinulang.”

11/09/2020

2 Mga Taga-Corinto 8:1-5
[1]Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang ipinakitang kagandahang-loob ng Diyos sa mga iglesya sa Macedonia.
[2]Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukás ang palad sa pagbibigay.
[3]Sila'y kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito sapagkat
[4]mahigpit nilang ipinakiusap sa amin na sila'y bigyan ng pagkakataong makatulong sa mga kapatiran na taga-Jerusalem.
[5]At higit sa inaasahan namin, inilaan nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos, sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.

10/09/2020

Mga Taga-Galacia 6:2-10
[2]Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.
[3]Dahil inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili.
[4]Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba,
[5]sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.
[6]Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos.
[7]Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
[8]Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan.
[9]Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa.
[10]Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Address

Kanluran Street Los Baños Highland Ville, Bayog Los Baños Laguna
Los Baños
4030

Opening Hours

Tuesday 3pm - 5pm
Friday 3pm - 5pm

Telephone

09263626359

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Lord God Almighty Flock, Family of the living God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share