27/12/2025
𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐌𝐚𝐠-𝐀𝐧𝐚𝐤, 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬, 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚, 𝐚𝐭 𝐉𝐨𝐬𝐞
Panalangin:
O Jesus na aming Panginoon at Mananakop, Ikaw na sinugo mula sa langit upang ang daigdig na ito'y liwanagan at pagtibayin ng Iyong mga aral at halimbawa. Minarapat Mong ihandog ang iyong panahon ng kamusmusan at kabataan sa tahanan sa Nazaret, na roon ay tumalima ka sa mga tagubilin at halimbawa ni Maria at Jose, upang kayong tatlo ay maging uliran ng lahat ng pamilya sa lupa. Marapatin Mo ngayon na tanggapin ang paghahandog ng aming pamilya sa Iyong pag-aaruga at tangkilik upang ito'y masubaybayan sa lahat ng panganib ng katawan at kaluluwa. Ang aming pamilya nawa'y maging kaisa ng damdamin at adhikain ng Banal na Pamilya, upang sa gayon ay maging halimbawa rin naman ng ibang angkan. Nawa'y ang lahat ng kasapi ng aming angkan ay makarating sa buhay na walang hanggan na doon ay makapiling ang Banal na Pamilya.
O Maria, lubhang masintahing Ina ng aming mananakop na si Hesus, ika'y inangkin naming ina rin. Kung paanong inaalagaan Mo si Hesus hanggang sa siya'y lumaki, sa dunong at biyaya, gayon din naman, hinihiling namin sa iyo na kami'y pagpalain sa lahat ng sandali ng aming buhay.
O Jose, butihing Ama at tagapag-alaga, ipanalangin Mo kami kay Hesus at Kay Maria, at marapatin Mong ihandog sa kanila ang aming mga kahilingan. Lalung lalo na sa oras ng kamatayan, kami'y huwag Mong pabayaan, kundi pumiling ka sa amin.
𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬, 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐚𝐭 𝐉𝐨𝐬𝐞, 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐧. 𝐀𝐦𝐞𝐧.