Youth Ambassadors for a Godly Nation

Youth Ambassadors for a Godly Nation Do not let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in life, in love and in purity.

19/04/2024
JESUS CONNECTED (t-shirt)Praise & Worship ConcertNovember 25,2023Lopez, QuezonSeeYA πŸ‘‰βœοΈπŸŽ΅β˜πŸ™πŸ•Šβ€πŸ’―πŸ‡΅πŸ‡­You can avail it for as l...
30/10/2023

JESUS CONNECTED (t-shirt)
Praise & Worship Concert
November 25,2023
Lopez, Quezon
SeeYA πŸ‘‰βœοΈπŸŽ΅β˜πŸ™πŸ•Šβ€πŸ’―πŸ‡΅πŸ‡­

You can avail it for as low as P250.00 each.. any color you wish...to support YA Mission in bringing young people connected and closer to GodπŸ‘‰βœοΈπŸŽ΅πŸ’―β€βœ…πŸ‡΅πŸ‡­πŸ•Š

Tagumpay kay Cristo!Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay ang sentro ng pananampalatayang Cristiano. Dahil kay ...
02/02/2023

Tagumpay kay Cristo!

Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay ang sentro ng pananampalatayang Cristiano. Dahil kay Jesus kaya naranasan natin ang libreng regalo ng kaligtasan. Ang kamatayan ni Jesus ay hindi lamang nagbabayad sa lahat ng ating maling gawa, ngunit nagbibigay din ito sa atin ng pagkakataong magkaroon ng kaugnayan sa Diyos.

Gayunman, marami pang ibang kapakinabangan na tinamasa sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Ang isang aspeto na pinagtutuunan ng pansin ni Pablo sa 1 Mga Taga-Corinto 15 ay ang tagumpay na dumarating sa pamamagitan ni Jesus.

Sinasabi ng Kasulatan na ang kamatayan ni Jesus ay hindi lamang tumitingin sa ating problema sa kasalanan, ngunit tinalo din Niya ang kapangyarihan ng kasalanan. Ibig sabihin makakaranas tayo ng masaganang buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na namumuhay sa atin.

Tinalo rin ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ang kahihinatnan ng ating kasalanan, ang kamatayan. Hindi na natin kailangang katakutan ang kamatayan dahil may kapangyarihan si Jesus dito. Siya ay bumangon mula sa mga patay, at ngayon Siya ay nagbibigay ng walang hanggan, masaganang buhay sa mga naniniwala sa Kanya.

Ito ang dahilan kung bakit hinihimok ni Pablo ang kaniyang mga mambabasa na manindigan sa kanilang pananampalataya. Ang tagumpay ay naipanalo na ni Jesus, at bilang mga Cristiano tayo ay nakikibahagi sa tagumpay na iyon. Walang makaaalis sa pag-ibig ng Diyos. Walang makapag-aalis sa atin sa Kanyang plano ng kaligtasan.

Gayon pa man, hinihimok tayo ni Pablo na patuloy na gumawa para sa Panginoon dahil ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman magiging walang kabuluhan. Dahil natamo na ni Jesus ang tagumpay, lahat ng gawaing ginawa sa Kanyang pangalan ay magbubunga rin ng tagumpay.

Kaya ano ang gawain ng Panginoon? Ito ay ang patuloy na pagbabahagi ng pag-asa at pagmamahal ni Jesus sa ibang tao. Ito ay pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa iba. Lahat tayo ay may mga lugar ng ministeryo, maging sa ating mga tahanan, kapitbahayan, o mga pinagtatrabahuhan. At dahil si Jesus ay nagtagumpay, dapat na may kumpiyansa tayo sa pagtataguyod ng gawaing ibinigay sa atin ng Diyos.

Kaya't maging masidhi tayo sa kung paano natin minamahal ang iba sa ating buhay. Huwag nating ikahiya na ibahagi ang Kanyang mabuting balita sa ibang tao.



β€βœοΈβ˜πŸ™πŸ’―

Isaiah 30:1515 This is what the Sovereign LORD, the Holy One of Israel, says: β€œIn repentance and rest is your salvation,...
22/12/2022

Isaiah 30:15
15 This is what the Sovereign LORD, the Holy One of Israel, says: β€œIn repentance and rest is your salvation, in quietness and trust is your strength, but you would have none of it.

01/12/2022

ANO ANG SINASABI NG SALITA NG DIYOS SA ATING PAGSISINUNGALING?

Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan.
Juan 8:44

MAAARI BA NATING SABIHING TAYO AY NAKIKISAMA LANG SA KANILA AT HINDI NAMAN TAYO NAGKAKASALA SA DIYOS?

1 Juan 1:6
Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan

BAKIT HINDI DAPAT MAKIAYON SA TAKBO NG MUNDO, SINO ANG PINUNO NG MUNDONG ITO?

Roma 12:2
2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Dumating na ang paghatol sa mga tao sa mundo. Malulupig na si Satanas na siyang naghahari sa mundong ito.
Juan 12:31 ASND

PAANO KAPAG ANG MGA PINAKAMATATAAS NA PINUNO SA LUPA AY NAGSUSULONG AT NAKIKIAYON SA KASINUNGALINGAN?

Kawikaan 29:12
Kapag ang pinuno ay naniniwala sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niyaΚΌy mabubuyo sa kasamaan.

MAY KAPATAWARAN BA ANG TAO SA KANYANG KAMALIAN DAHIL SA HINDI NATIN PAGSUNOD SA KALOOBAN NG ESPIRITU SANTO PARA SA ATING IKABUBUTI?

Tandaan ninyo ito: maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan, ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, sapagkat siya ay nagkasala ng walang hanggang kasalanan.” Sinabi ito ni Jesus sapagkat sinasabi ng mga tao na siya'y sinasapian ng masamang espiritu.
Marcos 3:28‭-‬30

PANSININ NATIN....ANG TALATA SA ITAAS NA SI KRISTO NA NAGSASALITA NG KATUWIRAN ANG SINASABIHAN PA NG MGA TAO NA SINASAPIAN NG MASAMANG ESPIRITU DAHIL AYAW NILANG MAKINIG SA KANYA.

2 Mga Taga-Tesalonica 2:11
Dahil ayaw nilang tanggapin ang katotohanan, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan.

SINO ANG TATAYO SA PANIG NG DIYOS?

Juan 8:47
Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.

1 Pedro 2:21
Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:

PATAWARIN MO ANG AMING BAYAN LORDπŸ‡΅πŸ‡­

"At kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain ko ulit pagpapalain ang kanilang lupain.
2 Cronica 7:14

L O R D ....Pagpalain mo po ang iyong bayan. Gabayan Mo po kami upang masunod ang iyong kalooban ayon sa iyong mga Salit...
08/05/2022

L O R D ....
Pagpalain mo po ang iyong bayan. Gabayan Mo po kami upang masunod ang iyong kalooban ayon sa iyong mga Salita sa paglalagay ng mamumuno sa aming bansa. Pagkalooban Mo po kami ng kalakasan at kaunawaan upang itiwala sa iyong kapanyarihan ang magiging resulta ng Halalan kalakip ang pag-asa na magiging mapaya, matuwid, may kaayusan at karangalan ang gagawin naming pakikilahok sa karapatang ipinagkaloob sa amin bilang isang mamamayan.
Salamat po sa Ama, sa matagumpay na araw na ito, nawa ay maitaas at mabigyan ka ng karangalan ng bawat taong makikilahok sa halalang ito...
Ipanalo Mo po ang aming bayan πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­Lord!
In Jesus name.... Amen!πŸ™πŸ™πŸ™

MAG-INGAT AT MAGING HANDA! SINO ANG AKING IBOBOTO???Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng ...
03/05/2022

MAG-INGAT AT MAGING HANDA!


SINO ANG AKING IBOBOTO???
Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? Mapalad ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, β€˜Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.’ Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang ibang mga alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo.
Mateo 24:45‭-‬49

MAYROON BANG MATUWID NA TAO NA MAMUMUNO SA ATING BAYAN KUNG HINDI NIYA PRIORITY ANG DIYOS?

Ayon sa nasusulat, β€œWalang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”
Mga Taga-Roma 3:10‭-‬12

SINO LANG ANG MATUWID, TAPAT AT MABUTI?

Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios.
Mga Gawa 10:38

ANO ANG NAGAGAWA NG ATING PANANAMPALATAYA SA DIYOS AT PAGTANGGAP KAY KRISTO?

Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man.
Mga Taga-Efeso 2:10

KAILANGAN BA NA MATUWID AT MAY TAKOT SA DIYOS ANG MAMUMUNO SA BAYAN?

Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.
Mga Kawikaan 29:2

ANO ANG DAPAT ISAALANG-ALANG SA ISANG PINUNO NA TUMATAWAG SA DIYOS?

β€œHuwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos.
Exodo 34:14

β€œHuwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.
Exodo 20:4‭-‬6

β€œKung susundin lamang ninyo si Yahweh na inyong Diyos at tutuparin ang kanyang mga utos, gagawin niya kayong pinakadakila sa lahat ng mga bansa sa balat ng lupa. Mapapasa-inyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung susundin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh.
Deuteronomio 28:1‭-‬2

GOD BLESS THE PHILIPPINES!


No weapon forged against you will prevail, and you will refute every tongue that accuses you. This is the heritage of th...
02/05/2022

No weapon forged against you will prevail, and you will refute every tongue that accuses you. This is the heritage of the servants of the Lord, and this is their vindication from me,” declares the Lord."
Isaiah 54:17 NIV

Address

No. 8 Rosario Street Brgy. Rizal
Lopez
4307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth Ambassadors for a Godly Nation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Youth Ambassadors for a Godly Nation:

Share