Youth Ambassadors for Godly Nation

Youth Ambassadors for Godly Nation Voice of the Youth Ambassadors

Mula sa kadiliman, inakay Niya ako sa Kanyang kamangha-manghang liwanag. Tinanggap ko si Cristo bilang Panginoon at Taga...
29/07/2026

Mula sa kadiliman, inakay Niya ako sa Kanyang kamangha-manghang liwanag. Tinanggap ko si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay, at sa Kanya ko natagpuan ang tunay na pag-asa, kapayapaan, at bagong simula. Hindi man perpekto ang aking paglalakbay, alam kong sapat ang Kanyang biyaya at pag-ibig upang gabayan ako araw-araw. Ang lahat ng papuri at kaluwalhatian ay para lamang sa Diyos. 📿🙏🏻

đź“– Juan 8:12
“Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.”

Piliin ang Kasama, Piliin ang Daan. Sinabi ni Kuya Gerald: “Kung nais nating hindi mapahamak bilang kabataan, hanapin na...
26/07/2026

Piliin ang Kasama, Piliin ang Daan.

Sinabi ni Kuya Gerald: “Kung nais nating hindi mapahamak bilang kabataan, hanapin natin ang mga tao at kaibigang dadalhin tayo palapit sa Diyos.” Our circle matters so much; sila ang humuhubog sa ating pag-iisip, sa ating mga desisyon, at sa kung saan tayo patungo. If we want to grow right and keep our hearts safe, we must walk with people who will point us closer to Him, not lead us away.

“Ang lumalakad na kasama ng matatalino ay magiging matalino rin, ngunit ang kasama ng mga hangal, kapahamakan ang daranasin.”
đź“– Kawikaan 13:20

Surround yourself with those who lift your faith higher, not those who pull you down. Ang tunay na mabuting kaibigan ay hindi lang sasama sa’yo sa ligaya, sila ang magtutulak sa’yo na maging mas mabuting tao at manatiling malapit sa Diyos.

“Huwag kayong paloloko: Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao.”
đź“– 1 Corinto 15:33

Choose your company wisely, because your path depends on who you walk with.

Mula nang sumali si Kuya King sa Y.A Campus Ministry, kitang-kita niya ang mga magagandang pagbabagong unti-unting nagag...
06/07/2026

Mula nang sumali si Kuya King sa Y.A Campus Ministry, kitang-kita niya ang mga magagandang pagbabagong unti-unting nagaganap sa kaniyang sarili. Natagpuan niya sa samahang ito ang pagkakataong lumago, matuto, at mas makilala pa ang kaniyang sarili sa liwanag ng Salita ng Diyos.

Masarap at payapa ang kanyang nararamdaman dahil lagi niyang naririnig at sinusunod ang gabay ng tinig ng Panginoon. Naniniwala siyang ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa pagpapasakop sa Diyos, na Siya ang nagtutuwid sa kaniyang mga hakbang at nagbibigay ng lakas sa bawat araw.

“Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.”
- Juan 10:27

Kahit kailan, ang galit ay hindi nakalulugod sa ating Panginoon. Sa bawat pagkakataong tayo ay nagpupuyos ng damdamin, m...
05/07/2026

Kahit kailan, ang galit ay hindi nakalulugod sa ating Panginoon. Sa bawat pagkakataong tayo ay nagpupuyos ng damdamin, madalas nating nakakaligtaan na ang p**t ay hindi nagbubunga ng kabutihan, kundi ng sakit at pagkakahiwalay sa ating kapwa, at lalo na sa Diyos na nagmamahal sa atin.

Huwag nating hayaang manaig ang init ng ulo kaysa sa pag-ibig at pag-unawa. Sa halip, piliin nating maging mahinahon, magpatawad, at sundin ang landas na nagbibigay-luwalhati sa Kanya.

“Alam ninyo ito, mga kapatid: dapat kayong maging handang makinig, mabagal magsalita, at mabagal magalit. Sapagkat ang galit ng tao ay hindi nakagagawa ng kabutihang kinalulugdan ng Diyos.”
- James 1:19-20

Sa pag-aaral at pakikinig sa Salita ng Diyos, lumalabas ang malalim na katotohanang ibinahagi ni Kuya Accel: ang pagkilo...
28/06/2026

Sa pag-aaral at pakikinig sa Salita ng Diyos, lumalabas ang malalim na katotohanang ibinahagi ni Kuya Accel: ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay ay hindi nakadepende sa lawak o dami ng ating nalalaman at natutunan, kundi sa ating tapat na pagsunod at tapat na pagsasabuhay ng Kanyang mga aral. Ang tunay na halaga ng pagkilala sa Kanya ay hindi nasusukat sa dami ng alam nating mga katotohanan, kundi sa kung paano natin isinasabuhay ang mga ito sa bawat araw at sa bawat pagkakataon.

Ang Salita ng Diyos ay hindi lamang para basahin at pag-aralan, ito ay ibinigay upang sundin at isabuhay. 🙏📖

“Ngayong alam na ninyo ito, pinagpala kayo kung ito’y gagawin ninyo.”
- Juan 13:17

Sa mundong puno ng pansamantalang kasiyahan at iba’t ibang tukso, ang salita ng Diyos ang nananatiling tanging matibay n...
26/06/2026

Sa mundong puno ng pansamantalang kasiyahan at iba’t ibang tukso, ang salita ng Diyos ang nananatiling tanging matibay na gabay sa buhay. Ito ang humuhubog sa ating puso, nagpapabago sa ating isipan, at nagtuturo ng tamang landas na naaayon sa Kanyang kalooban. ✝️🙏

Ang tunay na kapayapaan, kagalakan, at tagumpay ay hindi nasusukat sa mga bagay na iniaalok ng sanlibutan, kundi sa isang buhay na may takot sa Diyos, matatag na pananampalataya, at tapat na pagsunod sa Kanyang salita. 📜📿

“Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.”
- Mga Awit 119:105

Address

Lopez National Comprehensive High School
Lopez
4316

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth Ambassadors for Godly Nation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share