02/08/2026
[Sunday Message Recap]
Gospel Sunday
Message Title: "Two Spiritual Laws"
August 2, 2026 Worship Service
Sa natural, merong dalawang umiiral na batas na kalikasan: Ang "law of gravity," kung saan ang lahat ng bagay ay babagsak sa lupa. At ang "law of flight" (or law of aerodynamics), na ginagawang possible ang paglipad ng mga bagay sa kabila ng umiiral na law of gravity.
Ito ay sumasalamin sa dalawang umiiral na batas sa espirituwal: Ang "law of sin and death," kung saan lahat tayo ay bihag ng kasalanan at nakatakda sa kamatayan (pagkawalay sa Diyos), at ang "law of the Spirit of life", kung saan tayo ay binibigyan ng kalayaan mula sa tanikala ng kasalanan at binibigyan ng buhay sa pangwalang hanggan.
Ang mga nananampalataya kay Jesus ay wala na sa ilalim ng "law of sin and death", kundi mas nangingibabaw na ang "law of the Spirit of life" sa kanilang buhay. Kaya't kung dati ay wala tayong magawa upang magtagumpay sa ating mga kasalanan, ngayon, sa tulong ng Banal na Espiritu, meron na tayong kakayanang mapagtagumpayan ito!