20/08/2026
Alam mo yung feeling na mas mabigat yung konsensya kapag tahimik na ang lahat?
Yung biglang may mga bagay kang naaalala… mga desisyon, salita, at pagkakamaling sana hindi mo na lang ginawa.
Minsan sinasabi natin, “Sorry.”
Pero tanungin natin ang sarili natin: Sorry ba ako dahil mali talaga ang ginawa ko, o sorry lang ako dahil nahuli ako?
Kasi magkaiba ang regret at godly sorrow.
Ang regret, “Nakakainis, nahuli ako.”
Ang godly sorrow, “Lord, mali ako. Hindi ko gustong manatili sa ganitong buhay.”
Sabi sa 2 Corinthians 7:10, ang godly sorrow ay nagbubunga ng repentance—ng tunay na pagbabago at pagbabalik sa Diyos.
Kaya kung may bigat sa puso mo ngayon, wag agad isipin na condemnation yan.
Baka sinasabi lang ni Lord,
“Alam kong nagkamali ka. Pero ayokong manatili ka diyan. Balik ka na..”
Hindi naman hinihingi ni Lord na maging perfect ka bago ka lumapit.
Ang hinihingi Niya ay tapat na puso.
Kaya ngayon, habang tahimik ang paligid, ask yourself:
“Lord, sorry ba ako dahil nahuli ako… o sorry ako dahil nasaktan kita?”
And if the answer hurts a little, maybe that's where healing—and a real turning back—begins. 🤍
“Godly sorrow brings repentance…” — 2 Corinthians 7:10