13/06/2020
Nagsimula na pong umikot ang ating Online Mass sa Chapel na nasasakupan ng ating Parokya. Ito po ay ginaganap tuwing Linggo ng alas 4:00 nang hapon. Ito po ang schedule ng ating Chapel Online Mass sa buwan ng June
June 7 - Mary Help of Christians Silanganan
June 14 - Holy Family Sunriser
June 21 - Sacred Heart of Jesus Alecon
June 28 - Our Lady of Peace and Good Voyage Vista Verde
Sa mga Linggo na hindi gaganapin sa ating Sjw Chapel ang Online Mass tayo pa rin po ay inaanyayahang makiisang manood ng ating Online Mass sa Parokya ng ika 7:30 nang umaga.
Pagkatapos ninyong manood ay maaari po kayong pumunta sa ating Sjw Chapel para magkomunyon. May inatasan po ang ating kura paroko na layminister para magbigay ng banal na eukaristiya sa bawat Chapel.
Magaantay po ang mga naatasang layminister sa Sjw Chapel hanggang alas 9:00 nang umaga o hanggang maubos ang dala niyang Ostia.
Huwag po nating sayangin ang pagkakataong ito na makatanggap ng komunyon. Ito po gagawin na tuwing linggo.
Maraming salamat po
Pagpalain tayong lahat ng Panginoon Diyos