25/09/2026
Kapag nagsimulang lumago, di na muling hihinto โจ
๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐ง๐ข, ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ง
Ni: Princess Joy Salvador
Nueva Ecija Archdiocese
LLANERA, Nueva Ecija โ Dalawang mag-aaral sa ikaanim na baitang mula sa Mabini Chapter ang nagbigay-karangalan sa kanilang paaralan matapos magwagi sa Elementary Congressional District 2 Press Conference na ginanap sa Llanera Central School noong Setyembre 2.
Nasungkit ni Daijon Arvie De Guzman ang ikatlong puwesto sa Photojournalism (English), kung saan ipinakita niya ang kanyang husay at pagkamalikhain sa pagkuha ng mga larawang nagpapakita ng mahahalagang pangyayari at kuwento.
Samantala, nakamit naman ni Aizen Dharl T. Jalandoni ang ikaapat na puwesto sa Photojournalism (Filipino), kung saan ipinamalas din niya ang kanyang kakayahan sa paggamit ng larawan bilang mabisang paraan ng paglalahad ng kuwento at paghahatid ng impormasyon.
โUna po sa lahat, ako ay nagpapasalamat kay Apo Lakay na ginabayan ako sa aking mga gawain sa Journalism at sa akin namang coach na si Sir Wawie D. Toledo. Salamat po sa inyong mga itinuro na mga techniques at mga lecture,โ pasasalamat ni De Guzman sa mga nagsilbing gabay niya sa nasabing kompetisyon.
Pinatunayan nina De Guzman at Jalandoni ang kanilang kakayahan sa larangan ng photojournalism at kahandaang makipagsabayan sa iba pang batang mamamahayag mula sa Congressional District 2.
Nagbigay ng karangalan sa kanilang Chapter at paaralan ang kanilang tagumpay, na nagsisilbing patunay sa talento, dedikasyon, at pagsisikap ng dalawang Kabataang Crusado sa larangan ng pamamahayag.