09/09/2026
𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗜𝗙𝗘 𝗠𝗔𝗧𝗧𝗘𝗥𝗦!
A reflection from one of the youths who attended the Su***de Prevention Awareness Seminar.
"Ang pagdalo ko sa Su***de Prevention Awareness Seminar ay naging isang mahalagang karanasan para sa akin dahil mas marami akong natutunan tungkol sa su***de prevention at kung paano natin matutulungan ang isang taong maaaring nakakaranas ng mabigat na pinagdadaanan. Sa seminar, pinag-aralan namin ang mga signs o warning signs na maaaring makita sa isang taong nangangailangan ng tulong, tulad ng biglaang pagbabago ng kilos, pag-iwas sa ibang tao, pagkawala ng interes sa mga bagay na dati nilang ginagawa, at iba pang senyales na maaaring nagpapakita na hindi sila okay. Natutunan ko rin kung ano ang mga dapat gawin kapag may napansin tayong ganitong signs.
𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗴𝗮𝗱 𝗵𝘂𝘀𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗼 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼, 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁, 𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗮.
Napag-usapan din kung paano natin maaaring makatulong sa pag-control o pag-manage ng mga nararamdaman at sitwasyon sa pamamagitan ng tamang pakikipag-usap, suporta, at paghingi ng tulong sa mga taong may sapat na kaalaman. Mas naging aware din ako na dapat nating seryosohin ang mga signs at huwag balewalain ang mga taong humihingi ng tulong. Napagtsanto ko na hindi kailangang maging expert para makatulong sa isang tao. Minsan, ang simpleng pakikinig, pag-intindi, at pagpapakita ng malasakit ay malaking bagay na. Sa huli, natutunan ko na ang su***de prevention na tinalk ni ate k ay hindi lamang responsibilidad ng isang tao, kundi responsibilidad nating lahat na maging mas mapagmatyag, maunawain, at handang tumulong sa mga taong nangangailangan.