Asia Bible Baptist Church-Lipa City Believers

Asia Bible Baptist Church-Lipa City Believers Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Asia Bible Baptist Church-Lipa City Believers, Religious organisation, Lipa City.

Today is the day of Salvation of your soul.. Tomorrow may be too late.
15/09/2025

Today is the day of Salvation of your soul.. Tomorrow may be too late.

ANG MABUTING BALITA NG KALIGTASAN

“Aking Kaibigan-Mga Minamahal, gusto kong ibahagi sa iyo ang pinakamahalagang mensahe mula sa Salita ng Diyos. Ito ay tungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng katiyakan ng buhay na walang hanggan. Mahal ka ng Diyos, at nais Niyang maligtas ka.”

📖 1. Ang Tao ay Makasalanan
Roma 3:23 – “Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.”
👉 Lahat tayo ay nagkasala laban sa Diyos.

📖 2. Ang Hatol sa Kasalanan ay Kamatayan
Roma 6:23a – “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…”
👉 Ang kasalanan ay nagdadala ng kamatayan at hiwalay sa Diyos.

📖 3. Ang Pag-ibig ng Diyos
Roma 5:8 – “Datapuwa’t pinatutunayan ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.”
Juan 3:16 – “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
👉 Si Jesus ang nagbayad ng ating kasalanan sa krus.

📖 4. Si Cristo ang Tanging Daan ng Kaligtasan
Juan 14:6 – “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”
👉 Hindi relihiyon o mabuting gawa, kundi si Jesus lamang.

📖 5. Ang Kaligtasan ay Regalo ng Diyos
Efeso 2:8–9 – “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili: ito’y kaloob ng Dios: Hindi sa mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.”
👉 Ang kaligtasan ay kaloob ng Diyos, tinatanggap sa pananampalataya.

📖 6. Paano Tumatanggap ng Kaligtasan?
Roma 10:9 – “Na kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay, ay maliligtas ka.”
Roma 10:13 – “Sapagka’t ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.”
👉 Kailangan mong magsisi at sumampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

🙏 Panalangin ng Pananampalataya
“Panginoong Jesus, inaamin ko na ako ay makasalanan. Naniniwala ako na namatay Ka para sa aking mga kasalanan at nabuhay na maguli. Tinatanggap kita bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Patawarin Mo ako at bigyan ng buhay na walang hanggan. Amen.”

📌 Paalala: Ang panalangin lamang ay hindi nakapagliligtas, kundi ang tunay na pananampalataya kay Cristo Jesus.

✅ Katiyakan ng Kaligtasan
Juan 5:24 – “Ang nakikinig ng aking salita, at sumasampalataya doon sa nagsugo sa akin, ay mayroong buhay na walang hanggan…”
👉 Kung tunay kang sumampalataya kay Jesus, ikaw ay ligtas ayon sa Kanyang pangako.

📌 Para sa Iba Pang Katanungan
Inaanyayahan ka namin sa gawain ng:
Bethany Bible Baptist Church – Lipa City Mission
📍 Blk 8 Lot 6 Villa De Lipa 1, Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas
👤 Pastor: Jhonrey P. Maligsa
📱 09152896561
Pananambahan:
🕤 Sunday School–Discipleship Class:9:30 AM
🙌 Sunday Morning Worship Service: 10:30 AM
🍴 Family Lunch & Fellowship: 12:00 NN
🙌 Sunday Afternoon Worship Service:1:30 PM
🙏 Thursday Prayer Meeting Service: 6:30 PM

Celebrated a Blessed Couples' Sunday in Asia Bible Baptist Church✨❤️02/23/2025 Wives, submit yourselves unto your own hu...
24/02/2025

Celebrated a Blessed Couples' Sunday in Asia Bible Baptist Church✨❤️
02/23/2025


Wives, submit yourselves unto your own husbands, as unto the Lord.
For the husband is the head of the wife, even as Christ is the head of the church: and he is the saviour of the body.
Therefore as the church is subject unto Christ, so let the wives be to their own husbands in every thing.
Husbands, love your wives, even as Christ also loved the church, and gave himself for it;

Ephesians 5:22-25

24/08/2024
24/08/2024

Address

Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Asia Bible Baptist Church-Lipa City Believers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share