25/05/2026
𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔
𝐏𝐚𝐦𝐚𝐠𝐚𝐭: Koronang bulaklak
𝐁𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧: Isaias 61:1-3
1 𝘈𝘯𝘨 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘚𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘪𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱. 𝘚𝘪𝘯𝘶𝘨𝘰 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘭𝘪𝘸𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨-𝘱𝘶𝘴𝘰, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘪𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘩𝘢𝘨 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢.
2-3 𝘚𝘪𝘯𝘶𝘨𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘪𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘶𝘳𝘶𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺. 𝘚𝘪𝘯𝘶𝘨𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘭𝘪𝘸𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘵 𝘴𝘢 𝘡𝘪𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘴𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘱 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘣𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘭𝘰 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘮𝘩𝘢𝘵𝘪, 𝘮𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴 𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘳𝘰𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘭𝘢𝘬𝘭𝘢𝘬 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘭𝘰 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘨𝘢𝘺𝘢𝘩𝘢𝘯. 𝘚𝘪𝘭𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘪𝘯𝘢𝘯𝘪𝘮 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘒𝘪𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘯𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘸𝘪𝘥 𝘴𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘭𝘶𝘸𝘢𝘭𝘩𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯.
---------------------------------------------------
May mga sugat at karanasang iniisip nating hindi na mababago, mga panahong nasaktan tayo, o nawalan ng pag-asa. Pero ipinapakita sa atin ng Isaias 61:1-3 na kayang palitan ng Dios ang ating pagdadalamhati ng kagalakan. Sa gitna ng sakit at hirap, may magandang plano pa rin ang Panginoon para sa atin, at kaya Niyang magbigay ng panibagong simula kahit sa mga panahong pakiramdam natin ay wasak na tayo.
Kapag pakiramdam natin ay mabigat ang pinagdaraanan natin, tandaan nating hindi tayo pinababayaan ng Dios. Siya ang nagbibigay ng pag-asa sa mga nanghihina at kapayapaan sa mga pusong sugatan. Sa Kanya, may bagong lakas at bagong kagalakan na hindi kayang ibigay ng mundo. Patuloy lang tayong kumapit sa Kanya, dahil kaya Niyang gawing testimonya ang ating mga pinagdaanan.