18/08/2026
TAWAG SA PAGTATALAGA BILANG MGA AKOLITO NG ATING PAROKYA
Buong kagalakan naming ipinababatid sa ating pamayanan ng mga mananampalataya na ang ating mga kapatid na sina Bro. Cesar Balitaan Guce mula sa Sitio Sampalucan, Pinagtungulan, San Jose Batangas, at Bro. Roberto Alcober Peña mula sa Sitio Sampalucan, Pinagtungulan, San Jose Batangas, ay nakatakdang italaga bilang mga Akolito ng Parroquia de Sto. Niño ng Pinagtongulan, Lipa
Ang banal na pagdiriwang ng pagtatalaga ay gaganapin sa Oktubre 3, 2026 (Sabado), ganap na ika-9:00 ng umaga, sa Metropolitan Cathedral of San Sebastian, Lipa City, sa pangunguna ng Most Rev. Gilbert A. Garcera, D.D., Arsobispo ng Lipa at CBCP President.
Alinsunod sa kaugalian ng Simbahan, kung sinuman po ang may nais na humadlang sa pagtanggap nina Bro. Cesar Balitaan Guce at Bro. Roberto Alcober Peña sa ministeryo bilang mga Akolito, magalang po naming hinihiling na makipag-ugnayan sa ating Kura Paroko sa lalong madaling panahon.
Isama po natin sina Bro. Cesar at Bro. Roberto sa ating mga panalangin ,habang sila ay naghahanda sa pagtanggap ng ministeryo bilang mga Akolito. Nawa'y patuloy silang gabayan at pagkalooban ng Panginoon ng karunungan, kababaang-loob, at pusong tapat sa paglilingkod sa Kanyang Simbahan, upang maging masigasig na lingkod ng Salita ng Diyos at ng Banal na Dambana.
Senyor Santo Niño mahal na Banal na Sanggol, kaawaan Mo kami.