A. Irwin, presidente ng Australian Union Conference ay bumisita sa Pilipinas, na kung saan iminungkahi na magkaroon ng Pangangaral ang Adventista sa isla ng Pilipinas. Bilang tugon sa mungkahing ito, si R. Cadwell, isang kulportor mula sa Australia ay dumating sa Pilipinas ng taon ding yaon. Siya’y matagumpay na nakadalaw sa mga tahanan ng mga Pilipino at nakapagbili ng mga aklat pangkalusugan at
pang relihiyon sa wikang espanyol. Disyembere 1908, si L. V. Finster ang nangasiwa ng Gawain sa Pilipinas at nagsimulang mangaral sa mga Pilipino. Nagbigay sya ng pagaaral sa Bibliya sa Sta. Ana, Manila, sa isang grupo na karamihan ay kabataang lalaki. Mula sa grupong ito ang mga unang nahikayat na adventista, nabuo at nabinyagan noong Marso 1911. Isang Iglesya na may 18 kaanib ay itinatag sa Sta. Ana, Maynila. Mula noon ang pangangaral ay nakarating sa San Pablo City at di nagtagal ay narating din ang Lungsod ng Lipa, na kung saan si Ginoong Pedro Bathan Manalo, ama ni Ester Manalo Catibog, ay nakarinig ng pabalita ng evangelio, nabautismuhan at napaanib sa Lipa City Seventh-day Adventist Church. Minabuti ni kapatid na Pedro na sa Pagolingin na sila manirahan at ditto pinamuhay ang kanyang nakilalang pananampalataya. Naging tapat ang ating kapatid na ito, kayat nakipag ugnayan sa kanya ang isa sa kanyang kamaganak sa katauhan ni Bro. Nicolas Bathan. Dahil hindi sapat ang kanyang kaalaman sa Biblia minabuti ni kapatid na Pedro na humingi ng mangangaral sa Lucena City at dito ipinadala ang kabataang manggagawa na si Pastor Jeremias Medina. Nangaral sya dito sa Pagolingin. Naging matalik nyang kaibigan si Bro. Julian Bathan. Hindi nagtagal ay nagpasya na magpabinyag bilang pagtugon ng kanyang hayagang pagtanggap at pananampalataya sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Kasama nya ang 17 pa na mga nagpasakop sa Panginoon. Ang mga sumusunod aang mga kabilang sa mga naunang mananampalataya:
1. Julian Bathan 10. Severo Bruel
2. Ester Manalo Catibog 11. Modesta Laylo
3. Felicidad Manalo 12. Emilia Catibog
4. Primitiva Manalo Cuevas 13. Cornelia Perez Pagcaliwangan
5. Potenciana Perez Bathan 14. Apolonia Bathan Mangilit
6. Oliva Manalo Lirag 15. Tentay Bathan
7. Andrea Retargo Manalo 16. Rita Lumas
8. Sofia Perez 17. Rosario Lumas
9. Graciano Bathan 18. Marcelo Catibog
1944- Nakapagpatayo ng bahay Sambahan yari sa kawayan, kahoy at pawid. Sahig ay lupa na may sukat na 100 sq. m. Simula sa mga kaanib na ito , sa tulong at biyaya ng ating Dios, sa subaybay ng Santong Espiritu ay naging maunlad at masigla ang Iglesya dito sa Pagolingin. Nakita ng mga kapatid na kailangan ng mga bata ang Christian Education, kaya noong 1944 nabuksan ang Pagolingin Adventist Rural School. Ang Simbahan ang nagging paaralan din, karamihan sa mga mag aaral ay mula sa mga tahanang Adventista. Ang unang g**o ay si Miss Eliza Roxas, na naging asawa ni Pastor Medina…Naging maayos at masulong ang Iglesya, sapagkat ang Paaralan ang sanayan ng mga bata at kabataan sa pananampalataya. Dahilan nga tag-hapon, mahirap ang hanap-buhay, nasarhan ang paaralan noong 1948-1958. Ganoon pa man patuloy ang Iglesya sa pagsaksi, pangangaral at paglilingkod sa pamyanan.
1958- Nabuksan muli ang paaralan sa pagsisikap ng magkapatid na Julian at Graciano Bathan.
1963- Si Bro. Julian Bathan ay nakabili ng lote at buong puso nyang ipinagkaloob sa Iglesya. Ito ang kinatatayuan n gating Simbahan ngayon.
1964- Itinayo ang kapilya at ito rin ang silid-aralan ng mga bata.
1971- Naitayo ang School Building na may CR. Sa pangangasiwa ng magkapatid na Bathan at Bro. Emilio Lupac at sa pakikipagtulungan ng lahat ng mga kapatiran.
1972- Binakuran ang ating Simbahan at Paaralan sa pagkakaisa ng Iglesya at sa pagkilala sa malaking pagpapalang ipinagkaloob ng Dios sa mga kapatiran. Mga Gawain ng Iglesya na nagpaunlad at nagpatibay sa isprituan na buhay ng mga kapatiran:
1. Nagdaos ng mga Pangangaral sa Brgy. Anilao, Labac, Pagolingin East, Pagolingin West, Batangan, Pinagkawitan at pagolingin Bata.
2. Ang Branch Sabbath School at Vacation Bible School bawat taon ang isinasagawa ng mga g**o at mga kabataan sa Iglesya at sa iba’t ibang panig ng Pagolingin.
3. Nagsagawa din ng malakihang pang gagamot sa komyunidad (medical mission).
4. Mga pagdadalaw ng Women’s Ministry sa mga maysakit, may kaarawan at kapus-palad.
5. Taunang pagkakaloob ng Pamaskong Handog ng Iglesya sa mga mahihirap.
6. Pagdaraos ng Pagaaral ng Biblia sa mga tahanan.
7. Ang paaralan ay patuloy na naghahasik ng binhi ng katotohanan sa mga murang isip ng mga bata. Ilan sa mga mangangaral ditto sa pag-alala ng mga kapatid:
1. Elder Tucker at VOP
2. Pastor Jeremias Medina
3. Pastor Larry Feir
4. Bro. Enriquez
5. Andrew Pearce
6. Aliza Whetsell ng SHARE HIM
7. Pastor Eddie Lipit
8. Nanay Toyang
9. Pastor Azupardo
10. Jeck Bobiles
11. Adam Aganio
12. 1000 Missionary Movement
13. At mga district Pastor na napadestino sa mahabang panahon.
14. Pastor Daba
15. Pastor Halcon
Ngayon ay nagpapatuloy ang kasiglahan at pagtutulungan ng mga kapatiran. Sa ngayon ay mayroon tayong masisiglang kapatid na humigit kumulang sa 430 kaanib. Kasama ang mga nasa ibang bansa na patuloy na sumusuporta sa Iglesya. Purihin natin ang Panginoon sa mayamang pakikisama, patnubay at pagibig sa kanyang Iglesya sa dakong ito ng Pagolingin. Hallelujah!