06/05/2024
Magsisimula na ang Misa Nobena sa Kapistahan ng Mahal na Patron, San Isidro Labrador mula ngayong araw, ika-6 ng Mayo hanggang ika-13 ng Mayo. Ang nobena ay isagagawa sa ganap na ika-5:30 ng hapon at susundan ng Banal na Misa sa ganap na ika-6 ng hapon.
Samantala, sa ika-14 ng Mayo, huling araw ng Misa Nobena at pagdiriwang ng bisperas ng Kapistahan, ang nobena ay isasagawa sa ika-3:30 ng hapon, na susundan ng Banal na Misa sa ganap na ika-4 ng hapon at prusisyon sa ika-5 ng hapon.
Ang mga misa sa Kapistahan, Mayo 15, ay sa ganap na ika-5 at 7 ng umaga. Ang Misa Konselebrada ay sa ganap na ika-9 ng umaga sa pangunguna ng Arsobispo ng Lipa, Most Rev. Gilbert A. Garcera, D.D..
Lubos po ang paanyaya sa ating lahat na makiisa sa mga pagdirwang na ito 🌾