Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace—Tangway Labac Community

Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace—Tangway Labac Community Official page of Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace - Tangway Labac Community

Join us for Mass, events, and updates/announcements.

Please Like, Follow and Share.

🕊️📿💙 | Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa na 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 sa ating 𝗗𝗔𝗬 𝟯 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔...
18/07/2026

🕊️📿💙 | Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa na 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 sa ating 𝗗𝗔𝗬 𝟯 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗟𝗢𝗟𝗢 (July 18, 2026).

Isang araw na puno ng panalangin, pakikipag-ugnayan, pagtuturo sa kabataan at sama-samang paglalakbay ng pananampalataya.

Sa pagpapatuloy ng makabuluhang misyon na ito, sama-sama po nating isasabuhay ang diwa ng panalangin, pagkakaisa, paglilingkod, pagmamahal at malasakit sa ating kapwa. 𝗡𝗮𝗿𝗶𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗞𝗘𝗗𝗬𝗨𝗟 𝗔𝗧 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦

Sa ganap na 𝗶𝗸𝗮-𝟴:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 ay magkakaroon po tayo ng 𝗠𝗢𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥, kaya malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay Tangway: Sitio Labac na makiisa sa panalanging ito upang sama-sama po nating simulan ang araw na may pusong nakatuon sa Diyos at sa ating Mahal na Ina.

Pagkatapos po ng Morning Prayer ay susundan naman po ito ng isang 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗔𝗡𝗧 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 kaya isang pagkakataon po upang magkaroon ng mas malalim na pakikipag-ugnayan, pagbabahaginan at pagkakaisa sa paglilingkod sa ating komunidad at sa ating Simbahan.

Sa ganap na 𝗶𝗸𝗮-𝟯:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 ay magkakaroon po tayo ng 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗨𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡. Kaya naman inaanyayahan po ang mga kabataan na makiisa at dumalo sa ating kapilya upang matutunan at higit na makilala ang kahalagahan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo.

Sa ganap na 𝗶𝗸𝗮-𝟰:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 naman po ay ang 𝗖𝗔𝗟𝗟 𝗧𝗜𝗠𝗘 para sa lahat ng nais makiisa sa ating prusisyon. Kaya inaanyayahan po ang lahat na MAKIISA, MAKISAMA AT NAKIBAHAGI sa gawing ito.

Ang prosisyon po ay mag sisimula sa simbahan, ang call time po ay 4:00 ang simula po ay 4:30 ng hapon. Ang Prosisyon po ay patungong kabila at daretso sa ilaya po at pagkatapos po nito ay pag balik na sa ating chapel

[ Chapel — Kabila — Ilaya — Chapel ]

Ang ating pong prusisyon ay sa ganap na i𝗸𝗮-𝟰:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻. Magsisimula po ang prusisyon sa Kabila, patungo sa Ilaya at magtatapos sa pagbabalik sa ating kapilya.

Sa ganap naman po na 𝗶𝗸𝗮-𝟲:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶 ay magkakaroon po tayo ng 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗔 sa ating kapilya. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Banal na Misa at sama-sama nating ialay ang ating mga panalangin, pasasalamat at mga kahilingan sa Panginoon sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

𝗠𝗮𝘁𝗲𝗼 𝟭𝟴:𝟮𝟬 | “𝑆𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑖𝑝𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎 𝑜 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛, 𝑛𝑎𝑟𝑜𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑔𝑖𝑡𝑛𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎.”

Kaya’t halina’t tayo ay magtipon, manalangin at makiisa. Dahil ang bawat presensya ay mahalaga at ang bawat panalangin ay isang munting alay ng pagmamahal sa Diyos at sa ating Mahal na Ina. Sa bawat pagkakaisa at paglilingkod, nawa’y patuloy nating maging instrumento ng pag-asa, pagmamahal at liwanag sa ating pamayanan. 💙🙏

𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔. 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜. Dahil sa bawat pusong handang maglingkod, may isang buhay na maaaring mapalakas, mapasaya at mapalapit sa Diyos.

Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat!! 🙏🫂💞

[ Idenisenyo at Isinulat ni Apolinario Lirit | 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝗮𝗻𝗴𝘄𝗮𝘆: 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗰 ]






🕊️📿💙 | Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa na  𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔. 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 sa ating 𝗗𝗔𝗬 𝟮 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠...
16/07/2026

🕊️📿💙 | Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa na 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔. 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 sa ating 𝗗𝗔𝗬 𝟮 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗟𝗢𝗟𝗢.

Sa pagpapatuloy ng makabuluhang misyon na ito, sama-sama po nating isasabuhay ang diwa ng panalangin, paglilingkod, pagmamahal at malasakit sa ating kapwa. 𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗞𝗘𝗗𝗬𝗨𝗟 𝗔𝗧 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔

Sa ganap na 𝗶𝗸𝗮-𝟴:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 ay magkakaroon po tayo ng 𝗠𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗮𝘆𝗲𝗿, kaya malugod po naming kayong inaanyayahan na makiisa at makisama sa gawaing at panalanging ito. Pagkatapos po ng Morning Prayer sa ating kapilya ay 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗱𝗮𝗻 𝗽𝗼 𝗶𝘁𝗼 ng 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲-𝘁𝗼-𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴𝘀 para po sa mga tahanang hindi pa po nababasbasan. Pinapaalala rin po sa mga nais magpabasbas ng kanilang tahanan na maglagay ng 𝗣𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗕𝗕𝗢𝗡 sa kanilang tarangkahan o pintuan na may nakasulat na pangalan ng kanilang pamilya sa ribbon, katulad ng halimbawa sa ibaba:

𝗘𝘅: “𝗔𝗽𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿𝗶𝗼 𝗟𝗶𝗿𝗶𝘁 & 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆”

Upang malaman po na nais ninyong mabasbasan ang inyong tahanan. Bukas din po ay magaganap ang pagdalaw at pagdarasal para sa mga maysakit, bilang tanda at pagpapakita ng ating pagmamahal, pagmamalasakit at pakikiisa sa kanilang pinagdaraanan kahit sa simpleng gawaing ito.

Sa ganap naman po na 𝗶𝗸𝗮-𝟰:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 ay magkakaroon po tayo ng 𝗞𝗔𝗧𝗘𝗞𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡. Kaya naman inaanyayahan po ang lahat ng kabataan/youth at ang inyong mga anak na makiisa at dumalo sa ating kapilya. Ang gawaing pong ito ay para sa mga kabataan upang mapayabong ang kanilang pananampalataya, mapalalim ang kanilang pagkilala sa Diyos at matutunan ang kahalagahan ng pagmamahal, kabutihan at paglilingkod sa Diyos gayun din sa kanilang kapwa. Sapagkat ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi sila rin ay mahalagang bahagi ng Simbahan at ng ating pamayanan.

Sa ganap naman po na 𝗶𝗸𝗮-𝟱:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 ay magkakaroon po tayo ng 𝗟𝗜𝗧𝗨𝗥𝗚𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗗, kung saan sama-sama po nating pakikinggan at pagninilayan ang Salita ng Diyos.

“𝗔𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗮𝗻 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮.” Kaya naman, sa bawat panalangin, pagdalaw, pagbabasbas at pakikiisa, nawa’y patuloy po nating maipadama ang tunay na pagmamahal at malasakit sa bawat isa sa atin. Sama-sama nating ipagpatuloy ang ating misyon, sapagkat ang pananampalatayang isinasabuhay ay nagiging liwanag hindi lamang para sa ating sarili, kundi maging sa buong pamayanan.

Halina’t tayo ay magtipon, manalangin at makiisa. Dahil ang bawat presensya ay mahalaga at ang bawat panalangin ay isang munting alay ng pagmamahal sa Diyos at sa ating Mahal na Ina.

𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢 𝟭𝟴:𝟮𝟬 | 𝑆𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎'𝑡 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑖𝑝𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎 𝑜 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛, 𝑛𝑎𝑟𝑜𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑔𝑖𝑡𝑛𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎.”

𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔. 𝗠𝗔𝗞??𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜. Dahil sa bawat pusong handang maglingkod, may isang buhay na maaaring mapalakas, magpasaya at mapalapit sa Diyos.

𝗔𝘄𝗶𝘁 𝟭𝟯𝟯:𝟭,𝟯 | 𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑖𝑠𝑎, 𝑑𝑜𝑜𝑛 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑙𝑎.

Maraming Salamat po!

Idinisenyo at Isinulat ni Apolinario Lirit | 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝗮𝗻𝗴𝘄𝗮𝘆: 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗰 ]





📿🕊️ | 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗗𝗔𝗬 𝟭 | 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗪𝗔𝗬: 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗰Magandang gabi po sa ating lahat, Barangay Tan...
15/07/2026

📿🕊️ | 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗗𝗔𝗬 𝟭 | 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗪𝗔𝗬: 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗰

Magandang gabi po sa ating lahat, Barangay Tangway – Sitio Labac.

Bukas (July 16, 2026) po ay isang makasaysayan at mapagpalang araw para sa ating lahat. Sa unang araw ng pagdalaw ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo dito sa ating kapilya, nais po naming ipaabot ang opisyal na paalala at iskedyul ng ating mga gawaing pang-simbahan upang sama-sama at buong pusong makibahagi sa banal na okasyong ito.

Ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo ay simbolo ng pag-asa, pagmamahal at walang sawang pagdamay sa atin sa lahat ng panahon. Kaya naman, inaanyayahan po namin ang bawat pamilya, kabataan at buong pamayanan ng Sitio Labac na ilaan ang araw na ito para sa Kanya. Dalhin po natin ang ating mga kahilingan, pasasalamat at mga natatanging intensyon sa paanan ng ating Mahal na Ina, na laging handang umalalay, sumaklolo at mamagitan para sa ating lahat.

Narito po ang iskedyul ng ating mga gawain para bukas:

𝟳:𝟯𝟬 𝗔𝗠 | 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹 𝗖𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗶𝗺𝗲 (𝗣𝗮𝗴𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗶𝗹𝘆𝗮)

Dapat po ay nasa kapilya na ang lahat bago sumapit ang itinakdang oras. Maaga po tayong magtitipon upang buong galak, paggalang at pananampalataya nating salubungin ang pagdating ng Mahal na Ina. Inaanyayahan po ang lahat ng pamilya, kabataan at buong pamayanan ng Sitio Labac na makiisa sa makabuluhang okasyong ito.

𝟴:𝟬𝟬 𝗔𝗠 | 𝗠𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗮𝘆𝗲𝗿 / 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻

Magsisimula po tayo sa sama-samang pananalangin bilang paghahanda ng ating puso at isipan sa mga banal na gawain sa buong maghapon. Ito rin ay pagkakataon upang ialay natin sa Diyos, sa pamamagitan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ang ating mga panalangin, pasasalamat at mga mithiin sa buhay.

𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗽𝗼 𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗮𝘆𝗲𝗿 : 𝗕𝗮𝗵𝗮𝘆-𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝘀𝗮𝗸𝘆𝗮𝗻

Kasunod po ng Morning Prayer ay ang isang makabuluhang Bahay-bahay para sa House Blessing. Ito po ay tanda ng pagbabasbas ng Diyos at ng Kanyang patuloy na pag-iingat sa bawat tahanan at pamilya sa pamamagitan ng pamamagitan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔:

Ang bawat tahanan na nais mapuntahan para sa House Blessing ay hinihiling na magpalita o makipag-ugnayan lamang sa mga tagapamahala ng simbahan o ng atin ng kapilya. Maglagay ng PULANG RIBBON na may malinaw na nakasulat na pangalan ng inyong pamilya.

𝗛𝗮𝗹𝗶𝗺𝗯𝗮𝘄𝗮: "Apolinario Lirit & Family"

Ito po ang magsisilbing palatandaan upang madali at maayos na matukoy ang bawat tahanan.

𝟰:𝟯𝟬 𝗣𝗠 | 𝗞𝗮𝘁𝗲𝗸𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻

Sa ganap na ika-4:30 ng hapon ay muling magtitipon sa kapilya para sa Katekista. Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Sitio Labac na makibahagi sa gawaing ito. Magkakaroon po tayo ng pagtuturo at faith formation upang higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya. Kayo po ang pag-asa ng Simbahan, kaya mahalaga ang inyong presensya at aktibong pakikilahok.

𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠 | 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗠𝗶𝘀𝗮

Pagkatapos ng Katekista na turuan ang kabataan ay susundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika-5:00 ng hapon.

Ang Banal na Misa ang magiging pinakatampok at pinakadakilang bahagi ng ating mga gawain, sapagkat ito ang pinakamataas na anyo ng panalangin at pagsamba ng Simbahan. Sama-sama po nating pasalamatan ang Diyos at ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa lahat ng biyaya, pag-iingat at pagpapalang ating tinatanggap sa bawat araw.

Mga kapatid, samantalahin po natin ang natatanging biyayang ito. Hindi araw-araw dumadalaw ang Redemptorist Icon ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa ating kapilya. Nawa'y maging pagkakataon ito upang higit pang tumibay ang ating pananampalataya, lumalim ang ating debosyon kay Maria at higit na magkaisa ang buong komunidad ng Barangay Tangway: Sitio Labac sa pagmamahal at paglilingkod sa Diyos.

Halina't sama-sama nating ipadama ang ating pagmamahal sa Mahal na Ina, isang Inang laging nakikinig, laging nagmamahal at laging sumasaklolo sa lahat ng lumalapit sa Kanya.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at taos-pusong pagtugon. Nawa'y pagpalain at patuloy na gabayan tayong lahat ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo. 🙏💐💙

[ Idinisenyo at Isinulat ni Apolinario Lirit | 𝗔𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝗮𝗻𝗴𝘄𝗮𝘆: 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗰 ]






𝗧𝗔𝗡𝗚𝗪𝗔𝗬 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗖, HANDA NA BA KAYO? | 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗟𝗢𝗟𝗢" 𝗜𝗦 𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 🕊️📿💙Malugod po naming 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗻𝘆𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮...
14/07/2026

𝗧𝗔𝗡𝗚𝗪𝗔𝗬 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗖, HANDA NA BA KAYO? | 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗟𝗢𝗟𝗢" 𝗜𝗦 𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 🕊️📿💙

Malugod po naming 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗻𝘆𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗜𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗸𝗹𝗼𝗹𝗼 dito sa ating kapilya o parokya sa ganap na oras na 3:30 PM at susundan po ito ng Banal na Misa. ⛪💛

Narito po ang opisyal na iskedyul ng pagdalaw ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa ating parokya, isang biyaya at karangalan para sa ating lahat na personal nating masalubong at mapanalanginan ang banal na imahe ng ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo na naging simbolo ng ating pag-asa, pagmamahal at debosyon. 💐🫂🙏

📢 𝗢𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 ‼️

𝗔𝗡𝗢: Redemptorist Icon Mission of Our Mother of Perpetual Help

𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡: Wednesday, July 15, 2026 - 4:00 PM Launching & Paghahatid ng Lamar

𝗦𝗔𝗔𝗡: Sitio Labac Chapel, 4217 Purok 7C, Brgy. Tangway

𝗖𝗨𝗟𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡: Sunday, July 19, 2026 - 5:00 PM Banal na Misa

Note: 3:00 PM aalis ang team sa Redemptorist. Sa ganap na 3:30 PM, naroon na po tayo sa kabila upang buong galak na salubungin ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo. Inaasahan po namin ang pakikiisa ng bawat isa.

Malugod din pong Inaanyayahan ang lahat ng pamilya, mga kabataan at buong pamayanan ng Tangway Labac na dumalo at makiisa sa mga gawain ng ating parokya. 🙌🤍

Halina’t sama-sama nating ipadama ang ating pananampalataya at debosyon kay Maria. Dalhin natin ang ating mga kahilingan, pasasalamat at mga intensyon sa paanan ng ating Ina na laging handang dumamay at sumaklolo sa atin. 💙🕊️📿

Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat!

[ Idinisenyo at Isinulat ni Apolinario Lirit | 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝗮𝗻𝗴𝘄𝗮𝘆: 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗰 ]





Address

Purok7C Tanguay Labac
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace—Tangway Labac Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share