18/03/2026
Maligayang Kapistahan ng ating Mahal na Poong San Jose!
Tunay ngang pinagpala tayo bilang isang sambayanang nagkakaisa sa pananampalataya, pinagbubuklod ng pag-ibig, at ginagabayan ng tahimik ngunit matatag na halimbawa ni San Jose—isang huwaran ng kababaang-loob, katapatan, ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos, at wagas na pagmamahal sa kanyang pamilya.
Sa kanyang banal na halimbawa, nawa’y patuloy tayong matutong magtiwala sa Diyos sa gitna ng anumang hamon at magsikap na maisabuhay ang mga pagpapahalagang nagbubuklod sa atin bilang isang komunidad.
Nawa’y patuloy nating hingin ang kanyang maka-amang pag-aaruga at paggabay, upang manatiling matatag ang ating mga pamilya, mapanatili ang pagkakaisa sa ating barangay, at higit pang lumalim ang ating pananampalataya at pagmamahal sa isa’t isa.
San Jose, aming mahal na patron, ipanalangin mo po kami!