07/11/2025
Sa bawat unos ng buhay maging ito man ay bagyo, pagsubok, o mga hamon na hindi natin nakikita tayo'y manalangin nang buong puso. Sa panalangin, matatagpuan natin ang kapayapaan na lampas sa lahat ng pangamba. Patatagin natin ang ating pananampalataya, sapagkat ito ang ating sandigan sa oras ng kagipitan. At higit sa lahat, magtiwala tayo sa Diyos, na may kapangyarihang pahinain at pahupain ang bawat bagyo sa ating landas.
Ano man ang dumating, mananatiling matatag ang ating puso at isip, nakaangkla sa Diyos na tapat, makapangyarihan, at kailanman ay hindi nagpapabaya.
Sa ating Panginoong Diyos na si Jesus, tayo ay ligtas, pinapalakas, at ginagabayan sa bawat hakbang ng ating buhay.
Ajnc Lipa Batangas