GOD is GOOD

GOD is GOOD Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GOD is GOOD, Church of God, Lipa City.

05/06/2022

Isa muling mapagpalang gabi sayo kapatid. Nawa po ay sa lahat ng bagay na ipinagagawa sa atin ng Diyos ito ay may kasamang pananalig.

Ang sabi sa:
MATEO 21: 22
Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung mananalig kayo".

Mga kapatid, ang pananalangin sa Diyos ay hindi dapat isang lamang pangpalipas oras. Ang pananalangin sa Diyos ay hindi dapat sapilitan. Maging, ang pananalangin sa Diyos ay hindi isang gawain na basta mo nalang ginagawa. Magiging ganitong uri ng pananalangin ang mayroon ka kung maraming salita na paghiling ang lumalabas sa iyong bibig pero wala naman kasamang pananalig. Dapat hindi ka lang humihingi, dapat mismong ikaw, mismong puso at isipan mo makikita ng Diyos yung paniniwala mo sa kanya na magagawa nya ito sa buhay mo. Dapat sa bawat salita na sinasabi mo sa oras na ikaw ay nananalangin ay may matinding pananalig, yung parang nag uumpisa ka palang manalangin hindi na magagawang sumingit o sirain ng kalaban ang pananalig mo sa Diyos. Huwag din naman nating kaliligtaan na hindi lahat ng gusto natin ay maaari nating hingiin sa Diyos, ito yung mga bagay na hindi kalugod-lugod sa Diyos, mga bagay na hindi kasama sa plano ng Diyos sa buhay mo.

TANDAAN:
" HINDI TINUTUGON SA DIYOS ANG PANALANGIN NA WALANG PANANALIG KUNDI ANG PANALANGIN NA MAY PANANALIG "

Ang lahat ng ito ay ibinabalik ko ng may papuri, pagsamba, pagdakila at paghuwalhati sa aming nag iisang Panginoong Diyos. Amen and Amen.🥰🥰

GOD BLESS YOU AND KEEP SAFE KAPATID🥰🥰

01/06/2022

Isang mapagpalang gabi muli sayo mahal kong kapatid. Nawa'y buong puso tayong magpabago sa ating Panginoong Diyos.

Ang sabi sa:
KAWIKAAN 29:1
Ang taong ayaw magbago kahit palaging sinasaway ay bigla na lang mapapahamak at hindi na makababangon pa.

Mga kapatid, hindi mo mararanasan ang pagbabago kung mismong ikaw ay aayaw magpabago. Hindi magagawang magbukas ng saradong isip at puso kung mismong ikaw ay pilit itong sinasarado. Paano mo maririnig ang pagsuway sayo ng Diyos sa oras na mali ang ginagawa mo kung hindi naman nakalaan sa Diyos ang pandinig mo. Paano mo matatagpuan ang presensya ng Diyos, kung pansanlibutan parin ang pamumuhay na mayroon ka. Huwag mo ring sasabihin na hahanapin mo ang iyong sarili . Dahil hindi sarili ang mahahanap mo sa sanlibutan, kundi kasalanan at mga bitag ng kalaban. Kapatid, hindi ka para pilitin ng Diyos sa pagbabago, Oo gusto ng Diyos na mabago ka, gusto ng Diyos na maligtas ka, pero gusto rin naman ng Diyos nasa pagpili ay maging malaya ka. Lalu na, gusto ng Diyos yung buong puso na handang magpabago sa kanya. Kaya naman kapatid, huwag ka ng maging matigas sa Diyos. Kung gusto mong maranasan ang pagbabago na naranasan ng iba, simulan mo munang tanggapin na talikdan ang mga kasalanan na ginagawa mo bago sumuko sa Diyos ng buong puso. Kapatid, gusto ng Diyos na mabago ka at lumaya mula sa kasalanan pero nasasayo parin ang desisyon kung gugustuhin mo ring lumaya.

TANDAAN:
IBA AT MAS MABUTI ANG MAPAHAMAK DAHIL SA PANANAMPALATAYA AT HINDI ANG MAPAHAMAK DAHIL SA MGA KASALANAN NA GINAGAWA.

Address

Lipa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GOD is GOOD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category