11/01/2026
๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐-๐๐ก๐๐
๐๐ป๐๐ฟ๐ผ๐ถ๐๐ผ (๐๐ฎ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฏ:๐ฎ๐ฐ-๐ฎ๐ฑ)
Magalak na lubos ang ama ng matuwid, mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak ang nagpanganak saiyo. (๐ฆ๐ฎ๐น๐บ๐ผ ๐ด๐ฏ:๐ฎ-๐ฏ) Kay iinam ng Iyong mga tabernakulo, O Panginoon ng mga hukbo: ang kaluluwa ko'y umaasam-asam at nananabik na mapasabakuran ng Panginoon. ๐ฉ. Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kaparis noong una, ngayo't magpakailanman, at magpasawalang-hanggan. Siya nawa. โ Magalak na lubos ...
๐๐ผ๐น๐ฒ๐ธ๐๐ฎ
O Jesucristong aming Panginoon, na sa ilalim ni Maria at ni Jose ay nagpabanal Ka ng pamumuhay sa tahanan sa pamamagitan ng di masaysay na kabanalan: gawin Mong kami'y maturuan sa tulong nilang dalawa ng mga halimbawa ng Iyong banal na mag-anak, at makamtan namin ang kanilang pagsasamang walang hanggan. Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Diyos Ama at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.
๐๐ฝ๐ถ๐๐๐ผ๐น๐ฎ (๐๐ผ๐น๐ผ๐๐ฎ๐ ๐ฏ:๐ญ๐ฎ-๐ญ๐ณ)
Mga kapatid: dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.
๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐น (๐ฆ๐ฎ๐น๐บ๐ผ ๐ฎ๐ฒ:๐ฐ, ๐ด๐ฏ:๐ฑ)
Isang bagay ang hinihingi ko sa Panginoon, at ito'y aking hahanapin: na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon sa lahat ng araw ng aking buhay. Mapalad ang mga nananahan sa Iyong bahay, O Panginoon, pupurihin Ka nilang lagi.
๐๐น๐ฒ๐น๐๐๐ฎ (๐๐๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ ๐ฐ๐ฑ:๐ญ๐ฑ)
Aleluya, aleluya. Tunay na Ikaw ay Hari na nagkukubli, O Diyos na Tagapagligtas ni Israel. Aleluya.
๐๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฒ๐น๐๐ผ (๐๐๐ฐ๐ฎ๐ ๐ฎ:๐ฐ๐ฎ-๐ฑ๐ฎ)
Nang si Jesus ay labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista. Ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang siya ay kasama ng pangkat, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Pagkatapos, siya ay hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga g**o. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang pang-unawa at mga sagot. Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng kanyang ina, โAnak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.โ Sumagot si Jesus, โBakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?โ Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi niyang ito. Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ฟ๐๐ผ (๐๐๐ฐ๐ฎ๐ ๐ฎ:๐ฎ๐ฎ)
Si Jesus ay dinala ng Kaniyang mga magulang sa Jerusalem, upang iharap Siya sa Panginoon.
๐ฆ๐ฒ๐ธ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ
Inihahandog namin sa Iyo, O Panginoon, ang alay ng pagbabayad, at hinihiling nang buong kababaang loob, na sa pamamagitan ng Birheng Ina ng Diyos, kasama ni San Jose, ay itatag Mong matibay sa kapayapaan at sa Iyong grasya ang aming mga angkan. Sa pamamagitan ni Jesucristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.
๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฝ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฎ
Tunay ngang marapat at matuwid, ukol at nakagagaling ang lagi at saanman ay pasalamatan Ka, O Panginoong banal, Amang makapagyarihan, walang hanggang Diyos: sapagka't nang magpakita ang Iyong Bugtong na Anak sa anyong taong may-kamatayan ay tinubos kami Niya ng buong liwanag ng Kaniyang pagkawalang-kamatayan. Kaya kinakanta naming kasama ng mga Anghel at ng mga Arkanghel, ng mga Trono at Dominasyon, at ng buong hukbong makalangit ang awit ng Iyong kaluwalhatian, na walang tigil na nagsasabi:
๐๐ผ๐บ๐๐ป๐๐ผ๐ป (๐๐๐ฐ๐ฎ๐ ๐ฎ:๐ฑ๐ญ)
Lumusong si Jesus na kasama nila, at napasa-Nazaret, at napasakop sa kanila.
๐ฃ๐ผ๐๐ธ๐ผ๐บ๐๐ป๐๐ผ๐ป
Ipagkaloob Mo, O Panginoong Jesus, na kaming pinalakas Mo ng mga makalangit na sakramento, ay tularan namin ang mga halimbawa ng Iyong banal na Angkan: upang sa oras ng aming kamatayan kami'y salubungin ng kabanal-banalang Birheng Iyong Ina at ni San Jose at maging dapat na tanggapin sa mga tabernakulong walang hanggan. Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Diyos Ama at ng Diyos Espiritu Santo sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.