Church Arise

Church Arise Come as you are.

AIM Christmas Party 2024
22/12/2024

AIM Christmas Party 2024

11/08/2024

Stay Hydrated with Jesus

“Let anyone who is thirsty come to me and drink."(John 7:37)
“Everyone who drinks this water will be thirsty again, but whoever drinks the water I give them will never thirst. Indeed, the water I give them will become in them a spring of water welling up to eternal life.”(John 4:13‭-‬14)

Napakahalaga ng tubig sa ating mga buhay. Tatagal lamang tayo ng mga 2-3 araw kung hindi tayo makakainom ng tubig.

Hindi appealing ang tubig hanggang hindi tayo uhaw kasi wala naman itong lasa o flavor. At minsan, sa halip na tubig, softdrinks at juice ang iniinom natin para mapatid ang mga uhaw natin.

Ang Panginoong Jesus ay tubig ng buhay. At ang sabi niya na ang umiinom sa kanya ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Pero diba minsan, naalala lang natin ang tubig pag nauuhaw tayo? Pang-emergency lang minsan siya.

Ang mga offers ng sanlibutan na ito kagaya ng materialism, kayamanan, religion, pleasure at katanyagan ay para lamang softdrinks at juices. Yes, nagbibigay sila ng temporary relief pero they will never satisfy the thirst in you. Sa katunayan, instead na maging healthy ka, magkakasakit ka pa pag-ininom mo ang mga ito.

Huwag ipagpalit si Jesus sa mga artificial quenchers. Drink him. Drink more of him and you will never get thirsty again.

Suggested Scripture Reading: Proverbs 4.

12/07/2024

Moved to Move

Walang makakalapit sa akin malibang akayin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw (Juan 6:44).

Ang tinawag na Law of Inertia ay nagsasabi na ang isang object at rest will remain at rest unless something acts upon it.

By nature, ang tao ay makasalanan. Ipinanganak siyang makasalanan at mamamatay siyang makasalanan sa harap ng Diyos. By himself, hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili sa kaparusahan ng kasalanan unless may outside force na kikilos sa kanya para maligtas.

Hindi magbabago ang tao kung walang mga dahilan para siya magbago. Sasabihin nila, "dito na ako ipinanganak, dito na ako tumanda, at dito na rin ako mamamatay". Mahirap iwanan ang mga old ways kung walang mabigat na dahilan para i-embrace ang new ways.

We are already moved by God sa iba't-ibang kaparaanan. Marahil dahil sa isang mabigat na pagsubok, sakit o dahil na-present sa atin ang gospel at nakilala natin ang katotohanan kaya tayo bumaling sa Diyos.

Now, it's our turn to make the move. Yung mga kapamilya natin, kapit-bahay, kaibigan, at kakilala will remain as they are, where they are unless we take the initiative to reach them.

Bigyan natin sila ng mabigat na dahilan kung bakit nila pipiliin si Jesus sa kanilang mga buhay.

Basahin ang Psalm 41 at Revelation 3.

03/07/2024

Is Karma Real?

Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
(Mga Taga-Galacia 6:7)

Pagka may umaaway sa atin at mayroong nangyaring masama sa kanya, sasabihin natin "miris yan nakarma". Pero ang karma ba ay itinuro ni Jesus? Dapat bang ginagamit ng mga Christians ang salitang ito?

Una, unawain natin na ang konsepto ng karma ay galing sa Buddhism at Hinduism na ang lahat ng aksyon ng tao ay may epekto sa kanyang reincarnation. Ang reincarnation ay ang cycle ng birth at rebirth na kung saan ang karma ang magtatakda kung anong uri ka pagma-reincarnate ka.

Mindlessly, ginagamit ng mga tao ang salitang karma sa masasamang bagay na nangyari o nangyayari sa mga gumagawa ng masama. Kasama nito ang espiritu ng paghihiganti na may katuwaan sa masamang nangyari sa mga tinagurian nating masama.

Hindi itinuturo ng Biblia ang paghihiganti. At hindi rin itinuturo na maghangad tayo ng masama sa ating mga kaaway. Itinuturo ni Jesus na ibigin natin ang ating mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa atin (Mateo 5:44). Hindi maka-Diyos na magsabi tayo ng "miris" kung may nangyaring masama sa mga umaaway sa atin.

Wala sa vocabulary ng isang anak ng Diyos ang salitang "karma". Yes, aani tayo ng mabuti kung hindi tayo mapapagod magtanim ng mabuti. At hindi natutuwa ang Diyos kung may isang napapahamak.

Reading for today: Psalm 35 at 2 Corinthians 10.

29/06/2024

Detoxified

Mga minamahal, sapagkat ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos.
(2 Mga Taga-Corinto 7:1)

Regularly, dapat nagpapractice tayo ng detoxification. Naiipon kasi overtime ang mga toxins una sa ating mga katawan dahil sa mga kinakain natin.

At hindi lang sa physical na katawan natin kailangan ng detox kundi sa ibang parte ng buhay natin. Kailangang ma-detox ang ang ating mga pag-iisip mula sa worries, doubts, evil thoughts, at iba pang bagay na nagpaparumi dito.

Kailangang ma-detox ang ating mga espiritu sa contamination ng kasalanan at ng mga bagay ng sanlibutan.

Kailangan ding ma-detox ang ating mga bahay sa mga bagay na hindi naman natin talaga kailangan na nakatambak na ng ilang taon sa ating mga aparador, sa mga sulok-sulok at gilid-gilid ng ating mga bahay.

Ang build up kasi ng mga toxins sa ating mga katawan, pag-iisip, emosyon, at espiritu ay pinamumugaran ng sakit at iba pang mga bagay na nagli-limit sa atin para makapamuhay ng payapa at malaya.

Even Jesus, noong nag katawang-tao ay nagpractice ng detoxification pero hindi dahil kanyang mga kasalanan (Siya ay sinless at blameless) kundi maging clear ang kanyang kaisipan sa mga bagay na ipinapagawa sa kanya ng Amang nasa langit. Busy siya pero mayroon siyang panahong I-withdraw ang kanyang sarili sa mga solitary place para magpahinga at manalangin.

Ang fasting o pag-aayuno ang pinakamabisang detox sa katawan. Tinatanggal nito ang mga toxins sa ating katawan at nakakapag-regenerate ang mga bagong cells. At lalong mabisa kung sabayan ng panalangin at ng pagbabasa ng Bible.

At hindi lamang fasting sa pagkain kundi sa mga social media at sa internet. Pag ginawa mo ito, ibig sabihin hindi ka pa rin controlled ng mga layaw ng katawan mo.

Another method of detox ay exercise. Ang isang simpleng paglalakad ay nakakapag-relieve ng stress. Gayundin ang running.

I-detox po natin ang ating mga katawan at espiritu sa lahat ng contamination para maging ganap ang ating paglilingkod sa ating Panginoon.

Reading for today: Psalm 32 and 2 Corinthians 7.

27/06/2024
27/06/2024

Insured Kana Ba?

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”
(Mateo 619-21)

Mahalaga ang insurance sa buhay. Hindi uso dito sa Pilipinas ang insurance marahil dahil sa affordability (hindi kayang hulugan) at accessibility (walang nago-offer). Pero sa ibang bansa kagaya ng US at America, insured ang mga tao sa maraming bagay. May health insurance, life/death insurance. May insurance ang bahay para pag nasunog, bayad lahat ng damage. May insurance sa ngipin. Napapadali ang buhay dahil may insurance. Pero syempre, binabayaran ito ng paunti-unti. Pay now, enjoy later.

Kung ini-insured natin ang ating mga buhay dito sa mundo pati na rin ang ang ating mga ari-arian na temporal lang, diba mas kailangan nating sigurihin ang mga bagay na panlangit kasi pang walang hanggan ang mga ito?

Papaano? Sa pamamagitan ng pag-iimpok ng kayaman sa langit. Una dapat, insured yung eternal life mo na mangyayari lamang pag ibinigay mo ang buhay mo sa Panginoong Jesus. Pangalawa ay sa pamamagitan ng mga maka-Diyos na gawain. Ang lahat ng mabubuting ginagawa natin dito sa lupa dahil mga anak tayo ng Diyos ay nadidiposito doon sa langit.

"Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito." (2 Corinto 5:10)

Bible reading for today: Psalm 30 and 2 Corinthians 5.

Arise International Ministries (AIM) 5th Anniversary Celebration, April 14, 2024 the exact date where the first worship ...
14/04/2024

Arise International Ministries (AIM) 5th Anniversary Celebration, April 14, 2024 the exact date where the first worship service was held five years ago.

The work of God deserves the best. Quality sound.
25/03/2024

The work of God deserves the best. Quality sound.

Christmas Party 2023
29/12/2023

Christmas Party 2023

Another Sunday.
25/11/2023

Another Sunday.

Yung outing na nagsimula rin para sa isang Outreach Bible Sharing sa Malabeg na Baras sa Patuyo. Follow up na lang para ...
30/10/2023

Yung outing na nagsimula rin para sa isang Outreach Bible Sharing sa Malabeg na Baras sa Patuyo. Follow up na lang para magpatuloy ang gawaing ito. All with Jesus!

Address

San Miguel
Linapacan

Telephone

+639430846843

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Church Arise posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category