26/04/2026
A blessed birthday to our dear Pastor Renato Basilio! 🎉
Sa espesyal na araw na ito, nais naming ipaabot ang munting mensahe ng bawat isa — mga salita ng pasasalamat, pagmamahal, at pagpapahalaga sa inyong buhay at paglilingkod.
KIDS:
"Happy birthday, Pastor. Lagi ka po mag-ingat!"
"I wish you po good health and God bless po!"
"Happy birthday po! Salamat po sa inyo!"
YP PRESIDENT:
"Happy Birthday, Pastor! Nagpapasalamat po kami sa buhay niyo na patuloy na nagiging inspirasyon sa amin sa paglilingkod. May God bless you Pastor in all His ways, always. We love you!"
BAPTIST WOMEN PRESIDENT:
"Happy birthday, Pastor! Good health always!"
BAPTIST MEN PRESIDENT:
"Happy birthday po, Pastor Rene Basilio! Thank you po, wishing you a good health and more birthdays to come. On behalf of baptist men, we love you!"
MISSION HEAD:
"Thank you Pastor for leading the mission team into the great commission!"
PRAISE AND WORSHIP TEAM CHAIRMAN:
"Happy birthday, Pastor. Maraming salamat po sa inyong buhay at sa suporta nyo po sa amin sa music team. Tunay po na ramdam namin ang inyong panalangin at suporta para sa amin."
BUILDING AND MAINTENANCE HEAD:
"Keep strong and continue for the foundation of the church."
CHAIRMAN OF DEACONS:
"Isang maligayang pagbati po sa inyo pastor sa inyong kaarawan! Nawa ay patuloy pa kayong gamitin ng Panginoon sa misyon niyo sa Limay Baptist Church. Salamat sa inyong katiyagaan, kasipagan at patuloy na paglilingkod sa ating simbahan. Nawa sa araw na ito, magkaroon kayo ng kapayapaan at kasiyahan sa inyong puso, at kalakasan sa pisikal na pangangatawan at sa mga dadating pang mga araw. Salamat po sa inyong buhay, maligayang kaarawan po pastor!"
SPECIAL MESSAGE FROM ATE IMEL TABIJE:
"Pastor thank you so much for your life and continue to be a channel of life's blessings. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Panginoon at gamitin para ma-encourage ang iba pang mga mananampalataya at anak ng Diyos. Happy birthday!"
PASTOR RICKY REYES:
"Happy birthday, Pastor! Salamat po sa lahat ng patuloy na pagpapaalala at patuloy na pagpapalakas sa amin. Kayo po ay buhay na patotoo ng tunay na paglilingkod sa Panginoon na kahit anong sitwasyon ay walang hahadlang sa pagnanais nating paglingkuran Siya."
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng kalakasan, karunungan, at mas mahabang panahon upang maglingkod. Maraming salamat sa inyong walang sawang paggabay!🙏💙
Maligayang kaarawan po! 🎂