05/02/2025
Sinasabi nila na ang isang tunay na magaling na lider ay nasusukat sa impluwensyang kanyang iniwan sa mga tinuruan at ginabayan niya. At ito ay malinaw naming nasaksihan sa iyong buhay.
Ang iyong determinasyon, sipag, at tiyaga sa pag-abot ng mga kaluluwa at sa pangangaral ng Salita ng Diyos ang naging inspirasyon namin upang ipagpatuloy at isakatuparan ang vision ng Panginoon. Maraming salamat sa pag-ibig ng Diyos sa iyo, dahil sa pamamagitan mo, marami ang naakay sa tamang daan at patuloy na lumalago sa pananampalataya.
Mula sa Peas Simbahay Family, nais naming iparating ang aming taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa aming nag-iisa at pinakamamahal na Daddy Yow, Lolo Pastor, at Bishop Almonia!
Walang hanggang pasasalamat po sa inyo, sapagkat kayo ang ginamit ng Diyos upang tulungan kaming lumakad sa vision na Kanyang inilaan. Ang dating idineklara mong magkakasimbahan sa Peas ay unti-unti nang nagkakatotoo sa biyaya ng Panginoon.
Maraming salamat po sa lahat ng inyong ibinahaging aral—mga aral na habambuhay naming babaunin. Ipinapanalangin namin ang inyong patuloy na kagalingan at kalakasan upang magkasama-sama tayong maglingkod at tuparin ang kalooban ng Diyos.
Pagpalain po kayo nang higit pa ng ating Panginoon! 🎂🎉🎁🥳❤️✨️