Kapilya ng San Jose Manggagawa - Sitio Marsteel, Limay, Bataan

Kapilya ng San Jose Manggagawa - Sitio Marsteel, Limay, Bataan Parokya ni San Francisco ng Assisi, Limay, Bataan
Diyosesis ng Balanga

Mga sipi mula sa Homiliya ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer, sa ating "Misa sa Kapilya" noong ika-12 ng ...
12/07/2026

Mga sipi mula sa Homiliya ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer, sa ating "Misa sa Kapilya" noong ika-12 ng Hulyo, 2026:

"Bago po natin hilingin na baguhin ng Diyos ang ating pamilya, ang ating pamayanan, maging ang ating bayan, ito po muna ang paanyaya ng Diyos: 'Hayaan mo munang baguhin ko ang iyong puso."

"Ang ebanghelyo, hindi pampatulog ng konsensya, kung minsan ito po'y parang araro, bumubungkal sa matigas na lupa ng ating puso."

"Masakit po ang pagbubungkal, ngunit alam nating walang ani kung walang pagbubungkal."

"Bilang mga Kristiyano, hindi lamang tayo tinatawag na maghasik ng mga salita, tinatawag din po tayong ihanda ang lupa ng puso ng ating kapwa."

"Bago po tayo magsalita tungkol sa Diyos, baka kailangan muna nilang maranasan ang Diyos sa pamamagitan ng ating kabutihan, pakikinig, pagpapatawad, at malasakit."

"Sa bawat banal na Misa, muli lang pong naghahasik ang Panginoon ng Kanyang salita. Ang tanong, anong uri ng lupa ang aking puso?"

"Kapag ang puso, naging mabuting lupa, kahit isang maliit na binhi ng salita ng Diyos ay makapagbubunga...."

"Anong uri kaya ng lupa ang aking puso ngayon?"

MISA SA KAPILYAMga ka-Sitio, malugod namin kayong inaanyayahan na magsimba at dumalo sa ating Banal na Misa ngayong araw...
12/07/2026

MISA SA KAPILYA
Mga ka-Sitio, malugod namin kayong inaanyayahan na magsimba at dumalo sa ating Banal na Misa ngayong araw ng Linggo, Hulyo 12, 2026, sa ganap na ika-7 ng gabi, sa ating Kapilya.
Ang Misa ay pangungunahan ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer.

📣 PAGTATAWAG SA MGA NAGNANAIS MAGLINGKOD SA SIMBAHANAng Kapilya ni San Jose Manggagawa – Sitio Marsteel ay malugod na na...
03/07/2026

📣 PAGTATAWAG SA MGA NAGNANAIS MAGLINGKOD SA SIMBAHAN

Ang Kapilya ni San Jose Manggagawa – Sitio Marsteel ay malugod na nag-aanyaya sa mga nagnanais maging bahagi ng ating mga liturgical ministries.

⛪ SAKRISTAN (Altar Server)
• Para sa mga lalaki
• Nakatanggap na ng Unang Banal na Komunyon (First Holy Communion)

📖 LECTOR
• Bukás sa lahat, anuman ang kasarian o edad
• Para sa mga handang maglingkod sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos

📅 Paanyaya sa Pagpupulong

Ang lahat ng nagnanais tumugon sa panawagang ito ay inaanyayahang dumalo sa orientation at pagpupulong sa Hulyo 4, 2026 (Sabado), ika-9:00 ng umaga, sa loob ng Kapilya ni San Jose Manggagawa, Sitio Marsteel.

Ang pagpupulong na ito ay magsisilbing pagkakataon upang maipaliwanag ang mga tungkulin, mga alituntunin, at ang kahalagahan ng paglilingkod bilang Sakristan o Lector.

Tayo ay sama-samang tumugon sa panawagan ng Panginoon at maglingkod nang may pananampalataya, kababaang-loob, at pagmamahal.

"Narito ako, Panginoon; handa akong maglingkod." 🙏

Mga sipi mula sa Homiliya ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer, sa ating "Misa sa Kapilya" noong ika-14 ng ...
15/06/2026

Mga sipi mula sa Homiliya ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer, sa ating "Misa sa Kapilya" noong ika-14 ng Hunyo, 2026:

"Hindi man po natin kayang gumawa ng himala gaya ni Hesus, pero kaya naman po nating maging instrumento ng pagpapagaling ni Hesus."

"Yung simpleng pagdalaw, simpleng pagpapakita ng malasakit, maaari po iyang makapagbigay-sigla sa isang taong halos sumusuko na."

"Kaya bilang mga taga-sund ni Kristo, hindi po tayo tinatawag para magtayo ng pader na maghihiwalay sa isa't-isa, kundi magtayo ng tulay."

"Ano po ba 'yung mga tinanggap nating walang bayad? 'Yung buhay na mayroon tayo, 'yung pamilya, 'yung ating kalusugan, ating kakayahan, 'yung ating pananampalataya, at maging ang bawat araw.Ang tanong, paano natin ginagamit ang mga biyayang ito?"

"Naibabahagi ba natin ang ating oras, ang ating talento, at pananampalataya? O baka naman masyado na tayong abala sa sarili nating pangangailangan."

"Ang biyayang tinanggap natin mula sa Diyos ay hindi dapat itago, kundi dapat ipasa at ibahagi sa iba. Kapag ginawa po natin ito, nagiging buháy na saksi tayo ng pag-ibig ni Kristo sa ating pamayanan."

TINGNAN || Mga kuhang larawan sa ginanap na "Misa sa Kapilya" noong ika-14 ng Hunyo 2026, na pinangunahan ng ating Kura ...
15/06/2026

TINGNAN || Mga kuhang larawan sa ginanap na "Misa sa Kapilya" noong ika-14 ng Hunyo 2026, na pinangunahan ng ating Kura Paroko, Padre Edilbert "Lides" Pomer.

HALINA'T MAGSIMBABanal na MisaHunyo 14, 2026 | 7:00 N.G.Kapilya ni San Jose, Manggagawa, Sitio Marsteel Tagapagdiwang:Re...
14/06/2026

HALINA'T MAGSIMBA

Banal na Misa
Hunyo 14, 2026 | 7:00 N.G.
Kapilya ni San Jose, Manggagawa, Sitio Marsteel

Tagapagdiwang:
Reb. Pde. Edilbert S. Pomer
Kura Paroko ng Parokya ni San Francisco ng Assisi, Limay, Bataan

CANCELLEDIpinapabatid po sa lahat na pansamantala po nating hindi itutuloy ang ating "FIAT: VOCATION AWARENESS DAY", dah...
29/05/2026

CANCELLED
Ipinapabatid po sa lahat na pansamantala po nating hindi itutuloy ang ating "FIAT: VOCATION AWARENESS DAY", dahil ang atin pong kapatid na seminarista ay may nauna nang gampanin.
Manatiling naka-antabay para sa bago nitong petsa.
Maraming salamat po.

MISA SA KAPILYAMga ka-Sitio, malugod namin kayong inaanyayahan na magsimba at dumalo sa ating Banal na Misa ngayong araw...
09/05/2026

MISA SA KAPILYA
Mga ka-Sitio, malugod namin kayong inaanyayahan na magsimba at dumalo sa ating Banal na Misa ngayong araw ng Linggo, Mayo 10, 2026, sa ganap na ika-7 ng gabi, sa ating Kapilya.
Ang Misa ay pangungunahan ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer.

Mga sipi mula sa Homiliya ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer, sa ating "Misa sa Kapilya" noong ika-12 ng ...
12/04/2026

Mga sipi mula sa Homiliya ng ating Kura Paroko, Reb. Pdr. Edilbert S. Pomer, sa ating "Misa sa Kapilya" noong ika-12 ng Abril, 2026:

"Kung kasama mo ang Diyos, hindi Niya hahayaang magtapos sa trahedya ang buhay natin. Kapag hindi pa masaya ang ending, ibig sabihin, hindi pa tapos ang kuwento."

"Ganyan din po ang Diyos sa atin, gusto Niyang hipan, pagalingin ang sugat ng ating puso. Pero ang tanong, pinahihintulutan ba natin ang Diyos na pumasok at lapitan tayo? Baka naman tinatago natin ang ating sugat kaya hindi gumagaling?"

"Ang taong tumanggap ng awa, marunong maawa. Kaya mga kapatid, tinatawag din tayong maging daluyan ng awa.

"Mga kapatid, ilang beses na po nating naranasan ang awa ng Diyos? Ilang beses na ba tayong bumangon mula sa pagkadapa?May awa ang Diyos, huwag kang masiraan ng loob."

"Dahil sa huli, hindi takot ang mananaig, hindi rin sugat ang mananaig. Ano ang mananaig? Kundi ang awa ng Diyos na nagbibigay ng kapayapaan at bagong simula sa ating buhay."

Address

Arroyo Street , Sitio Marsteel, Brgy. Luz
Limay
2103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ng San Jose Manggagawa - Sitio Marsteel, Limay, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share