29/06/2026
Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina San Pedro at San Pablo, mga Apostol, buong galak nating ginugunita ang dalawang haligi ng ating pananampalataya na buong tapang na isinuko ang kanilang buhay alang-alang kay Kristo at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Bilang mga lingkod sa banal na dambana, nawa'y magsilbi silang huwaran ng ating katapatan, kababaang-loob, at walang pag-iimbot na paglilingkod, upang sa bawat pagtupad natin sa ating bokasyon ay higit nating maipakita ang pag-ibig at debosyon sa Panginoon.
Kasabay nito, ipinagdiriwang din natin ang Araw ng ating mahal na Santo Papa, ang kahalili ni San Pedro at pinuno ng Simbahang Katolika. Sama-sama nating ipanalangin ang ating Santo Papa, Papa Leon XIV, na patuloy siyang pagkalooban ng Espiritu Santo ng karunungan, lakas, at biyaya upang magabayan niya ang buong Simbahan nang may pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.
San Pedro at San Pablo, ipanalangin ninyo kami.
Ad multos annos! β