26/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐๐ซ๐ ๐๐, ๐๐๐๐
Isang karangalan at napakalaking biyaya ang masaksihan at mapagnilayan ang Banal na Krus ng Hubileyo, na kasalukuyang dumalaw sa ating parokya. Ang Krus na ito, na tanda ng sukdulang pag-ibig at sakripisyo ni Kristo, ay hindi lamang isang simpleng kahoy, kundi simbolo rin ng ating kaligtasan at tagumpay laban sa ating mga kasalanan.
Nawa'y ang pagdating ng sagradong tanda na ito ay maging hudyat ng panibagong lakas at malalim na pananampalataya sa ating mga puso. Sa bawat pagtingin natin sa Krus, maalaala natin na sa gitna ng anumang pagsubok, naroon ang tiyak at hindi nagbabagong pag-asaโang Pag-ibig ng Diyos na nag-alay ng kanyang Anak para sa atin.
Sama-sama tayong manalangin, magpasalamat, at humingi ng biyaya upang ang Pagdalaw ng Krus ng Hubileyo ay maging simula ng mas masiglang paglalakbay natin tungo sa pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐๐ข๐ฅ๐๐จ ๐๐๐๐. Nawa'y maging tanda ito ng panibagong pag-asa, pagkakaisa, at walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat.
Halina at makiisa sa mga gawain para sa Pagbisita ng Krus ng Hubileyo!
Mananatili ang Krus ng Hubileyo sa ating Parokya hanggang Nobyembre 8, 2025.
๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ'๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ!