10/09/2026
๐๐๐๐๐๐ร๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
PANALANGIN KAY SAN BUENAVENTURA
O lubhang mapag-ampon at pintakasi naming
San Buenaventura, yayamang dati mong ipinakilala
sa iyong mga deboto ang iyong tulong at pagsaklolo.
Kami pong tumatawag ng totoong pagdalangin ay
ipagmakaawa mo sa Panginoong Diyos ng masaganang
tulong sa mga kailangan ng aming kaluluwa at katawan.
Gayon din naman ang tanging biyaya na hinihingi
namin sa iyo at lalo ang mga kailangan sa panahong ito.
Tulungan mo kami, San Buenaventura, nawa'y lagi
naming hangarin ang kaluwalhatian ng Diyos.
Nawa'y lagi naming ibuhos ang lahat ng aming
pagmamahal, paghahangad, at pagsusumikap
para maipahayag namin ang Kaharian ng Diyos
sa pamamagitan ng aming pananalita, ng aming
mga gawa at ng aming pamumuhay. Mapawi
nawa ang lahat ng sakuna sa aming bayan sa
iyong mga panalangin at pamamagitan. Amen
San Buenaventura, Ipanalangin mo Kami!