09/06/2025
REFLECTION TODAY’S MORNING DEVOTION🙌
Hayaan mong si Lord ay hindi lang bisita sa puso mo gawin mo Siyang residente. Minsan kasi, pinapapasok lang natin Siya sa mga parts ng buhay natin na “okay,” yung malinis, maayos, at presentable. Pero paano ‘yung mga kwarto ng puso mong magulo, madilim, o may tinatago? ‘Yung puno ng takot, pain, pride, at past mistakes?
God doesn’t just want to be in your Sunday morning room. Gusto Niya makapasok sa buong bahay sa bawat kwarto, kahit ‘yung pinakatinatagong sulok. Hindi Siya natatakot sa kalat mo. Hindi Siya nadidiri sa mga sugat mo. Gusto Niya lang magkaroon ng full access, kasi only then can He truly heal, restore, and transform you from the inside out.
So kung may bahagi pa ng puso mong sarado, ngayon na ang panahon para buksan ‘yun. Let Him in. Ibigay mo hindi lang ang highlights ng life mo, kundi pati ‘yung behind-the-scenes. Trust Him enough to let Him clean, fix, and fill every space with His love.