Parish Youth Ministry of Lian

Parish Youth Ministry of Lian Page of the youth in Lian Parish

Maligayang kaarawan sa ating kapatid na si Nestor😊. Patuloy na maglingkod sa Diyos. Enjoy!😊
07/07/2021

Maligayang kaarawan sa ating kapatid na si Nestor😊. Patuloy na maglingkod sa Diyos. Enjoy!😊

Maligayang kaarawan mga kapatid!😊😇
30/06/2021

Maligayang kaarawan mga kapatid!😊😇

31/03/2021

Ikalabing apat na istasyon: Ang muling pagkabuhay ni Hesus

30/03/2021

Ikalabingtatlong istasyon: Si Hesus ay inilibing

29/03/2021

Ikalabindalawang istasyon: Si Hesus ay namatay sa krus

Lucas 23: 44-46
Nang mag-aalas dose na ng tanghali, nawala ang liwanag ng araw, at dumilim sa buong lupain sa loob ng tatlong oras. At ang kurtina sa loob ng templo ay nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba. Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyo ang aking espiritu!”[a] At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.

28/03/2021

Ikalabing-isang istasyon: Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus

Juan 19:25-27
Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.
Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak!
Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

27/03/2021

Ikasampung istasyon: Ang Nagtitikang Magnanakaw

Lucas 23:39-43
Nilait siya ng isa sa mga salarin na nakapako sa krus at sinabi: Kung ikaw ang Mesiyas, iligtas mo ang iyong sarili at kami.

Sumagot ang isa at sinaway siya na sinabi: Hindi ka ba natatakot sa Diyos na ikaw ay nasa gayunding kaparusahan? Tunay na ang kaparusahan sa atin ay matuwid sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating ginawa. Ngunit ang lalaking ito ay walang nagawang anumang pagkakamali.

Sinabi niya kay Jesus: Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay nasa paghahari mo na.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.

26/03/2021

Ika sampong istasyon: Si Hesus ay Ipinako sa Krus

Lucas 23:33-35
At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan. At nakatayong nanonood ang bayan. At tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.

25/03/2021

Ikawalong Istasyon: Nasalubong ni Hesus ang mga kababaihan ng Herusalem

Lucas 23:27-31
Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil sa kanya. Nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ Sa(D) mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”

Upang mapanood ang kabuuan ng senakulo o daan ng krus, magkakaroon po ng LIVE na senakulo na mapapanood sa page ng Lian Parish-Archdiocese of Lipa. Ito po ay mapapanood sa MARCH 31, 2021 (MIYERKULES SANTO).

24/03/2021

Ikapitong Istasyon: Tinulungan ni Simon si Hesus sa pag-pasan ng Krus

Marcos 15:21
Nasalubong nila sa daan ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene na ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus.

Upang mapanood ang kabuuan ng ating senakulo o istasyon ng krus, magkakaroon po ng LIVE na senakulo na mapapanood sa ating page na Lian Parish-Archdiocese of Lipa. Ito ay mapapanood sa MARCH 31, 2021 (MIYERKULES SANTO).

23/03/2021

Ika anim na Istasyon: Si Hesus ay nadapa sa bigat ng krus

Mahirap ang buhay. Marami tayong naririnig sa balita ng mga taong sumusuko na dahil sa hirap ng buhay. “Panginoon, bakit ako pa?” Malaking katanungan kung bakit pinababayaan ng Panginoon na makaranas tayo ng kahirapan. Mahirap isipin na hahayaan tayong makaranas ng kahirapan ng Diyos ng pag-ibig. Sa panahon ng kahirapan, madalas nating makalimutan ang pangakong binitiwan ng Panginoon, na hinding hindi niya tayo iiwan, lalo na sa oras ng kagipitan. Matutong tumayo muli mula sa pagkakalugmok, ng may pananalig at pag-asa sa pangako ng panginoon na kaagapay natin siya sa bigat ng krus ng buhay.

Upang mapanood ang kabuuan ng senakulo o istasyon ng krus, magkakaroon po tayo ng LIVE na senakulo na mapapanood sa ating page na Lian Parish-Archdiocese of Lipa. Ito ay mapapanood sa MARCH 31, 2021 (MIYERKULES SANTO).

22/03/2021

Ang ikalimang istasyon: Tinanggap ni Hesus ang kaniyang Krus

Mateo 27:31
Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus.

Upang mapanood ang kabuuan ng senakulo, magkakaroon po tayo ng LIVE na senakulo. Ito ay mapapanood sa ating page na Lian Parish-Archdiocese of Lipa. Ito ay mapapa nood sa MARCH 31, 2021 (MIYERKULES SANTO).

Address

Lian

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Youth Ministry of Lian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share