16/07/2024
𝘼𝙉𝙊 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙄𝙉𝘼𝙂𝙆𝘼𝙄𝘽𝘼: ANTING ANTING AT SAKRAMENTAL
Madalas tayong paratangan ng ibang sekta na tayong mga Katoliko raw ay isang kulto sapagkat gumagamit raw tayo ng mga anting-anting at agimat bilang proteksyon laban sa sakit, sakuna o kung ano pang mga pangyayari na naglalayo sa atin sa paniniwala sa Panginoon.
Taliwas sa kanilang mga paratang, ang mga katoliko ay hindi naniniwala sa mga Agimat, Evil Eye. o ano pa mang anting-anting na mula sa mga katubong paniniwala.
Ang gamit nating rosaryo sa pagdarasal ay hindi isang anting-anting, kundi isang sakramental. At malaki ang pinagkaiba ng dalawa. Gusto mong malaman kung anong pinagkaiba ng dalawa? Halika, magpatuloy ka.
• ANTING-ANTING
Ang anting-Anting ay nanggaling sa paniniwala ng mga katutubo. Ayon sa mga matatanda, ang mga anting-anting raw ay nagbibigay ng swerte, o kaya naman ay proteksyon sa sakit, o pagkamatay dahil ito raw ay pinaniniwalaang naglalaman ng kapangyarihan na hindi tukoy kung saan galing. Ang mga anting-anting ay pinaniniwalaan ring ginagamit ng mga kulto o ano mang grupo na mas pinapanigan ang swerte kaysa sa mga biyayang pinaghirapan sa tulong ng Panginoon.
• SAKRAMENTAL
Ang mga Sakramental ay mga banal na bagay o seremonyas na ginagamit ng Simbahan upang makamit ang pagpapala at biyaya ng Diyos. Nariyan ang iba't ibang halimbawa gaya ng pag-antanda ng krus, paggamit ng insenso, krusipiho, eskapularyo, blessed oil, holy water, medalya, at ang madalas nating gamitin sa pagdarasal—ang santo rosaryo na nagmula pa sa Birheng Maria na binigay kay Santo Domingo.
Tandaan nawa natin, na kaakibat ng paggamit ng sakramental ay ang malalim na pananampalataya sa Panginoon. Hindi ito pinanggagalingan ng swerte, bagkus, salamin ito ng ating relasyon sa Diyos bilang mga anak Niya.
Sources:
(1) Blessed Sacramentals —A means of Grace (Retrieved on October 20, 2021);
(2) Anting-anting Power—Kularts (Retrieved on October 20, 2021);
(3) Mga Sakramental—Catholic Patrician Apologetics.
(4) 📷Pinterest, PngTree