14/12/2025
Magandang gabi po!
Inaanyayahan po namin ang lahat ng kabarangay ng Sinisian West na makiisa sa pagdiriwang ng Simbang Gabi mula Disyembre 15 hanggang 24, 2025, tuwing 5:30 ng hapon. Ito ay pagkakataon upang magtipon-tipon bilang komunidad, magdasal, at maghanda sa maligayang pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo. Nawa’y maging masaya, mapagpala, at makabuluhan ang ating pagdiriwang sa Kapaskuhan.