22/10/2025
Isang Pasasalamat para sa mga Asawa ng ating mga Pastor at Pastora
South Bicol District | Christ to the Philippines
Sa bawat hakbang ng ating mga Pastor sa ministeryo, hindi natin dapat kalimutan ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang buhay—ang kanilang mga kabiyak.
Kayo po na tahimik lang sa likod ng bawat mensahe, bawat panalangin, bawat pagbisita, at bawat gawain.
Hindi kayo mga anino. Kayo ay katuwang. Kayo ay kaisa. Kayo ay mahalaga.
Alam namin na hindi madali ang maging asawa ng isang lingkod ng Diyos. Maraming hindi naiintindihan, maraming hindi nakikita.
* Mga okasyong hindi nara-ranasan ng buo bilang pamilya...
* Mga panahong kailangan ninyo ng kasama, pero may tawag ng ministeryo...
* Mga pagkakataong kayo ang tumatayong tagapangalaga, tagapayo, at tagapuno sa mga puwang na iniwan ng tungkulin...
At sa kabila ng lahat ng ito, hindi kayo umaangal. Hindi kayo humihinto. Hindi rin kayo naghahanap ng papuri.
Pero ngayon, hayaan niyong kami naman ang magsabi: Salamat po.
Salamat sa inyong walang sawang suporta.
Salamat sa inyong mga panalangin na hindi namin naririnig, pero ramdam namin.
Salamat sa inyong pang-unawa, sa inyong pag-alalay, at sa inyong katatagan.
Kayo po ang tahimik na lakas sa likod ng ating mga Pastor. At higit sa lahat, kayo ay mahal na mahal ng Panginoon.
Ang Diyos ang patuloy ninyong kasangga. Sa bawat pagod, may lakas na nagmumula sa Kanya. Sa bawat luhang hindi nakita ng iba, may haplos Siya ng kaaliwan. At sa bawat "di ko na kaya"—nandiyan Siya para sabihing, "Anak, kasama mo Ako."
Kaya’t sa araw na ito, itinataas namin kayo—mga kabiyak ng ating mga lingkod ng Diyos. Salamat sa inyong faithfulness, sa inyong quiet strength, at sa inyong unseen sacrifices.
Ang aming panalangin:
Pagpalain kayo ng Panginoon, at patuloy kayong palakasin sa bawat araw ng inyong paglilingkod.
Muli, maraming salamat po.
We honor you, and we thank God for your life.