27/05/2026
NOBENA SA INA NG LAGING SAKLOLO
(Debosyon tuwing Miyerkules)
Panalangin Para Sa Mga Maysakitπ
+ "Panginoong Hesukristo, pinasan Mo ang aming mga tiisin * at dinala Mo ang aming mga dalamhati upang Iyong ipakilala ang halaga ng pagtitiis at ng pangangailangan ng tao ng Iyong tulong. Magiliw Mong dinggin ang aming mga panalangin para samga minamahal naming may sakit lalo na... (manahimik sandali at alalahanin ang mga maysakit na mahal sa buhay) Ipagkaloob Mo sa kanila na labis na nahihirapan dahil sa dinaranas nilang mga sakit at karamdaman ang iyong mapaghilom na lakas at kalinga. Ibalik mo sa kanila ang kalusugan ng katawan at kaluluwa upang sila ay muling makapaglingkod sa iyo at sa kapwa."
Amen. +
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami. ππ
------------------------------------------------------
FOLLOW OUR OFFICIAL SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:
Youtube: https://www.youtube.com/
Tiktok: https://www.tiktok.com/.catholics
Instagram: https://www.instagram.com/
Thank you for subscribing and sending stars! π€
Your support helps us continue spreading the Catholic faith and inspiring others. May God bless you always! πβ¨