07/02/2016
Sumainyo ang kapayapaan!
si Jesus ay hindi diriktang nagpapakilalang Diyos sa sangkatauhan, kundi doon lamang sa mga hinirang ng Diyos sapagkat hindi siya diyos ng sanlibutang ito kundi dumating siya bilang tao sa sanlibutang ito; at sa mga pinili lamang siya nagpapakilala ng lubusan na siya ay Diyos at hindi sa sanlibutang ito. Ang mga hinirang lamang totoong nakakakilala sapagkat sa kanila siya ang Cristo at mula sa Diyos, siya ay Panginoon at Anak ng Diyos at ang Ama ang nagpapahayag sa kanila ng mga bagay na ito.
Hindi siya nagpapakilalang diyos ng sanlibutang ito sapagkat tanging ang SUWAIL lamang ang magpapakilalang diyos ng sanlibutan at uupo sa truno ng Templo ng mga tao na dala ang kapangyarihan ni Satanas at siya'y magpapakilalang diyos ng sanlibutan ito...
•Malinaw din naman na hindi diyos ang Diyos ng mga bagay na napaparam at natutupok kahit siya pa ang lumalang nito... sinu-sino naman ang mga natutupok? Diba't ang Diyos ang lumalang sa mga magnanakaw, sa mga mamamatay tao? subalit bakit nga ba hindi siya naging Diyos nila gayong ang Diyos naman ang lumalang ng lahat ng bagay?
Ito po ay dahil hindi siya nila nakikilala at ayaw nilang kilalanin ang Diyos dahil di nila matanggap katotohanang nasa Diyos at ang gusto lang nilang pakinggan at marinig ay yaong mga nagsasabi ng mga bagay na sang-ayon sa kanilang mga gusto. Ang Diyos ay nagpakilalang Diyos ng mga buháy at hindi diyos ng mga patay,, hindi siya diyos ng mga magnanakaw at ng mga mamamatay-tao at ng mga ayaw makinig at sumunod... Malinaw na sinabi ni Jesus na ang kanyang Kaharian ay hindi nasa sanlibutang ito kundi nasa langit dahil kung nasa sanlibutang ito ang kanyang Kaharian, ipinagtanggol na sana siya ng kanyang mga tauhan niya upang hindi siya ipagkanulo at patayin! Kaya hinayaan nilang mangyari iyon sapagkat iyon ang kalooban ng Ama (ang espirituwal na kahulugan ay, “HINDI ANG TAO ANG ATING KAAWAY KUNDI ANG DIYABLO, HINDI TAYO PAPATAY NG TAO PARA IPALAGANAP ANG KANYANG MGA SALITA, KUNDI ANG DIYABLONG NANANAHAN SA ISANG TAO ANG PAPATAYIN NATIN SA PAMAMAGITAN NG MGA SALITA NG DIYOS”).
Ang Diyos Ama mismo ay nagpatunay rin: Hindi siya nagpadala ng mga anghel upang patayin ang mga kumakastigo kay Hesus. Dahil kung para sa kanya ay tao lang si Hesus, ipinagtanggol na sana niya gamit ang dahas at mga pagpatay. Bagkus ay nagdulot pa nga ng buhay at pag-asa sa mga sasampalataya at sumasampalataya sa kanyang Anak.
Ang sanlibutan ay napop**t sa mga hindi taga-sanlibutan at ang diyos ng sanlibutan ay kanilang ipaglalaban gamit ang dahas at mga pagpatay. Kaya ganoon nalang ang galit ng sanlibutang ito sa Panginoong pumarito upang iligtas ang mga hindi para sa sanlibutang ito.
Patunay rin ito ni Jesus na siya ay hindi taga-sanlibutan; ito ang sinabi ni Jesus, “Kayo'y kinapop**tan ng sanlibutan dahil katulad ko'y hindi mga taga-sanlibutan. Ang itinuturing na kanya ay yaong mga umiibig sa kanya at kanya rin silang iibigin nito, subalit kayo ay kinapop**tan nito dahil hindi na kayo pag-aari ng sanlibutang ito; Ang napop**t sa inyo ay napop**t sa akin at ang napop**t sa akin ay napop**t sa Ama na nagsugo sa akin.” Patunay rin ito ng Panginoon sa mga hinirang na ang mga hindi totoong alagad ni Cristo ay yaong mga pumapatay at mga nakikipagpatayan para sa kanya! Kundi ano ang kanyang sinabi? Sinabi niya, ‘Mapalad ang mga inuusig at pinaparatangan ng mga kasalanang hindi ninyo ginawa dahil sa akin dahil patunay ito na kayo'y mga alagad ko’.
Mga isinumpa ang mga simbahang mamamatay-tao, ito ang kanyang sinabi, ‘Ang nabubuhay sa tabak ay sa tabak rin mamamatay’ (marami ang uri ng tabak, ang tinutukoy niyang tabak ay ang mga masasamang gawa at mga masasamang pinagkakaabalahan ng tao)
Isipin niyo, nasa kalagitnaan na si Cristo ng paghihirap, di siya ipinagtanggol ng mga tauhan niya gamit ang dahas, at ang sinumang gumamit ng dahas ay pinipigilan ni Jesus sapagkat ang tunay na pagtatanggol kay Jesus ay sa pamamagitan ng pagganti ng awa o habag sa mga napapahamak at hindi nakakakilala sa kanya. Pinatotohanan ito ng Panginoon na ang Kaharian niya ay nasa langit at hindi nasa lupang ito. Patotoo ito ng Diyos na ang mga mamamatay tao ay yaong nagsasabing TAO LANG si Cristo dahil nagpapakita po iyan na sila'y hindi nakikilala kay Jesus. Tanda rin iyan ng pagiging mga taga-sanlibutan nila dahil katulad din nila ang sanlibutan na hindi nakakakilala sa kanya sapagkat hindi nagpakilala ang Panginoon sa sanlibutan ito upang iligtas sanlibutang ito kundi ang mga nasa sanlibutang ito kaya para sa kanila TAO LANG si Jesus dahil nananatiling lihim sa kanila ang totoong Jesus.
Ang nananatiling taga-sanlibutan ay papatay para kay Jesus dahil di nila alam na ang Kaharian ni Jesus ay hindi nasa sanlibutang ito at inaakala nila na TAO LAMANG si Jesus para makipagpatayan para sa kanya! Ganoon pa man ang mga alagad ni Cristo ay tunay na nakakakilala sa kanya, dahil ipinaubaya nila sa Diyos ang lahat ng ito.
May anim na patotoo na ang isang alagad ni Cristo ay ginagamit ni Satanas.
Una: Ay yaong ipagkanulo siya o pagtaksilan
Pangalawa: Ay ang pigilan siya sa kanyang gagawin upang maging handog
Pangatlo: Ay ang magkanya-kanyang lakad
Pang-apat: Ay ang pumatay para sa kanya gamit ang mga makamundong bagay
Pang-lima: Ay ang ikahiya siya o ang ikaila siya bilang kanilang Panginoon
Pang-anim: Ay ang hamakin siya o kutyain
Yan ang ilan sa mga patotoo sa mga nagsasabing kilala nila si Cristo ngunit kahangalan naman ang kanilang mga ginagawa.
Noong pinipigilan ni Pedro si Jesus upang gawin ang kalooban ng Diyos ay nagalit si Jesus at sumigaw ng ganito, “LUMAYAS KA SATANAS, HADLANG KA SA MGA PLANO NG DIYOS, ANG KALOOBAN MO'Y SA TAO AT HINDI SA DIYOS!”
Sino ba ang takot na mamatay si Jesus? Hindi ba't ang nagsasabing TAO LANG si Jesus at mga WALANG PANANAMPALATAYANG siya'y mabubuhay muli?
Ginawang dahilan din yan ni Satanas para sa tao upang madaya at malinlang ang tao, ngunit ang totoong dahilan ng kaaway ay takot silang maganap at matupad ang tungkulin ni Jesus dahil handang ihaalay ang buhay ni Jesus bilang tanda ng buong pusong pagsunod sa Ama na siyang mabubunga ng buhay para sa mga tao at paghuhukom naman para sa mga kaaway ng Diyos?
Pinipigilan ni Satanas na maging handog si Jesus upang hindi matuloy ang kaligtasan ng mga taong na na kay Cristo.
Si Satanas ay namumuo na rin kay Pedro gaya sa sinabi ni Jesus na sila'y susubukin ni Satanas ngunit magbabalik-loob muli. Ang lahat na nagsasabing tao lang si Jesus ay may sumpang sumasakanila,, ang sumpang di makaunawa at ang sumpang makikipagpatayan dahil akala nila na ang Kaharian ng Diyos ay nasa mundong ito para makipaglaban at makipagpatayan sa kapwa tao! Sa tingin niyo ba may kapangyarihan si Satanas o ang kamatayan kay Jesus? WALA! sapagkat si Jesus mismo ang nagsabi nito na WALANG KAPANGYARIHAN ANG KAMATAYAN LABAN SA AKIN, ‘WALANG SINUMANG MAKAKAKUHA NG AKING BUHAY KUNDI KUSA KO ITONG IBINIBIGAY, MAYROON AKONG KAPANGYARIHANG IBIGAY ITO AT MAYROON AKONG KAPANGYARIHANG KUNIN ITONG MULI’.
Malinaw ho na walang makakapatay kay Jesus kung hindi niya iyon ipagkakaloob, ngunit dahil utos iyon ng Ama na ialay ang kanyang buhay bilang handog ay kanya itong tinupad. “PINATUNAYAN NIYA NA MAHAL NIYA ANG AMA AT WALA SIYANG SUSUNDING DIYOS KUNDI ANG AMA.
Kaya nabigo si Satanas na pigilan si Jesus sa lahat ng paraan upang makatakas sa kapahamakang darating sa kanya at sa kanyang mga kampon.
Naaalala niyo ba na sumigaw si Jesus ng Ganito... “Diyos ko! Diyos ko! Ba't mo ko pinabayaan?” Sa tingin niyo ba pinabayaan siya? HINDI! Pero bakit niya sinabi iyon sa madla?
Yun ay upang MANATILING BULAG ANG KAMPON NG SANLIBUTAN, mananatili sa kanila ang kasabihang, ‘Tumingin man sila ng tumingin ay hindi sila makakakita; makinig man sila ng makinig sila'y hindi makakarinig.
KAYA ANG AKALA NG SANLIBUTANG ITO NA SI JESUS AY TAO LANG NA PINABAYAAN NG DIYOS SAPAGKAT HINDI NIYA NAUNAWAAN ANG KAHULUGAN NI JESUS SA KANYANG MGA SINASABI.
NAPANSIN NIYO BA NA SA KATAGANG IYON AY MARAMI ANG NAKARINIG? HINDI SIYA PABULONG NA NAGSABI NIYAON! ANO BA ANG KAHULUGAN NG KANYANG GINAWANG PAGSIGAW?
ANG KAHULUGAN NIYAON AY NAGPAPAKILALA SI JESUS SA SANLIBUTAN BILANG TAO NA PINABAYAAN NG DIYOS. Kaya sumigaw siya ng ganoon sa madla upang marinig ng lahat ng mga taga-sanlibutan!
Kaya hanggang ngayon! Tunay ngang bulag ang mga taga-sanlibutan at ganoon nalang ang pagkilala nila kay Jesus na para sa kanila'y TAO LAMANG!
Dito nahahayag ang kanilang katauhan na sila'y hindi mga hinirang ng tunay na Diyos kundi ng sanlibutan ito. Kaya nahahayag ang kanilang pagiging alipin ng mga pita ng laman at ang kanilang pagiging makamundo na nagdudulot ng pagaaway-away at sari-saring mga kagulohan!
Hanggang ngayon patuloy ang kanilang pangungutya sa Anak ng Diyos.
Ganito ang palagi nilang sinasabi:
“KUNG TALAGANG DIYOS SI JESUS, BAKIT HINDI NIYA NAGAWANG BUMABA SA KRUS o SA KAHOY NA PINAGBITINAN SA KANYA”
At ganyan din ang sinabi ng mga kumuktya sa kanya noong siya'y nasa krus, sinasabi nila ng pasigaw ang ganito, “Jesus! Kung talagang Anak ka ng Diyos, iligtas mo ang iyong sarili!”
At yan din ang sinabi ng isa sa nakapako sa krus, “Jesus! Iligtas mo ang iyong sarili!”
Di niyo ba alam na HINDI SIYA PANGINOON NG MGA NAPAPAHAMAK! Siya ay Panginoon ng mga naliligtas sapagkat siya ang tagapanguna sa kanila.
Hindi siya nagpakita ng PAGIGING DIYOS SA KANILA. Hiniling nilang bigyan sila ni Jesus ng TANDA subalit hindi niya sila sinunod sapagkat siya ay hindi Panginoon nila kundi siya'y Panginoon lamang ng mga may pananampalataya sa kanya. Ang mga pinagaling ni Jesus ay ang patunay na sumampalataya sa kanya kaya sila'y pinagbigyan niya. Ngunit alam ni Jesus kung sino ang mga kumukutya sa kanya! Ang sanlibutang ito ay humiling ng ganoon na pakitaan siya ng TANDA sahalip ay winasak ng Diyos ang Tabing ng Templo upang ipakita sa kanila na inihihiwalay na niya ang totoong mga kumikilala sa Diyos at tinatapos o natupad na ang Unang Tipan, kasamang tinatapos na at pinag-walang bisa na roon ang pagpatay at pananakop upang palaganapin lamang ang salita ng Diyos. Nagpapakita rin yun ng pagluluksa at paghihinagpis para sa Templo. At nagpapakita ng pagpapakumbaba ng Diyos. Nahati sa dalawa ang Tabing ng Templo bilang tanda na ang mga tunay na hinirang ng Diyos ay inihiwalay sa mga hindi mananampalataya at ng mga makasanlibutan sa pagkilala sa Diyos at pagkaunawa.
Gayon din naman, may iba pang kahulugan ng pagkawasak ng Tabing ng Templo. Masakit kung minsan ang katotohanan ngunit tandaan niyo ang kasabihang ito: ‘Ang kanyang sinugatan ay kanya ring pinagagaling’ ang bagong Templong may buong Tabing ay ang bagong Templo ngayon at tayo nga ang Templong Bago na tagapamahala ng mga bagay na bago at nananatili magpakailanman. Ang sugat ng Dating Templo ay hindi na maaaring maghilom pa, at ang sugat ng Dating Tabing ay hindi na maaaring pagalingin pa sapagkat yun ay sinugatan ng isang sugat na hindi gagaling. Ang sinumang magpagaling niyaon ay kampon ng mga kaaway ng Diyos. Ang Bagong Templo ay ang Hilom at ang hilom ay hindi maaaring tawaging sugat at ang sugat ay hindi matatawag na hilom, ang luma ay pinapalitan ng bago at ang bago ang siyang hilom na tunay at totoo at nananatiling bago mula noon at magpakailanman. Hindi tayo aanib sa mga wala nang bisang gawain upang paghilumin lamang ang ginagawa nila. Ang kasabihang iyon ay naganap na at nagbunga na ng Hilom. Ang tanging pinaghihilom nalang ngayon ay ang ating mga sarili kapag tayo'y nasa isang pagsubok o kaya'y kapag tayo ay nasasaktan sa mga salita ng katotohanan. Ang sugat na hindi gumagaling ay ang mga gawaing makamundo at makalaman, mga pagpatay o pagkitil ng buhay ng isang tao sa ngalan ng kanilang mga pananampalataya at pagtatanggol sa mga nakasanayang mga kaugalian ng isang relihiyon at iba't-ibang uri ng pagsamba. Marami ang mga sugat na di na gagaling ngunit ito ay iisang napakalaking sugat kung pagsasama-samahin. Mayroong sugat na mula noon pa ay sugat na at iba sa sugat na naging sugat lamang, ngunit gayon paman'y pareho silang sugat o uri ng mga gawaing walang bisa; ito ang dalawang sugat na hindi gumagaling: ang walang bisa mula pa noong una at ang pinag-walang bisa, ang isa ay gawaing banal na may talukbong na pinag-walang bisa samantala ang isa ay walang bisa mula pa noong una at walang kinalaman sa mga gawaing banal bagkus ay gawaing pagano tulad nalamang ng pagsamba kina Isis, Huros, at Set na magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin, at pati kay Baal diyos ng buwan at ng mundo at sila ay may iba't-ibang pangalan ngayon ngunit makikilala sa mga katangian nila. Mga pagsamba sa mga diyus-diyosan katulad ng pagsamba sa sarili bilang diyos o walang kinikilalang diyos. Ang makakaunawa ay makakapagsabing ‘TUNAY NGANG SI CRISTO ANG ANAK NG DIYOS!’ dahil ipapahayag sa kanya ng Diyos ang totoong pagkilala at pagkaunawa sa kanya.
Ang kaharian ng sanlibutan ay nayanig sa unang pagkakataon, ngunit ang KAHARIAN NI JESUS NA NASA LANGIT AY HINDI MAYAYANIG KAILANMAN.
Ganoon din ang pagkakilala at pagkaunawa ng mga tunay na hinirang ng Diyos, ang kanilang pagkakilala at pagkaunawa'y hindi kayang yanigin.
Nauunawaan ng mga hinirang ng Diyos ang salitang ito, ‘SI JESUS AY DUMATING BILANG TAO” ngunit hindi ito nauunawaan ng sanlibutang ito ang salitang ito dahil para sa kanila, ‘SI JESUS AY DUMATING BILANG TAO LAMANG” hindi sa kaaway nagpakilala ang Salita ng Diyos kundi sa mga itinuturing lamang na mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus.
Pagkatandaan ninyo: Si Jesus ay dumating bilang tao sa sanlibutang ito at hindi bilang isang diyos ng mundo.
Si Jesus ay inialay bilang tao at hindi inialay bilang diyos sa sanlibutang ito.
Dahil tao ang ililigtas ng Diyos, tao rin ang dapat na maging handog.
Ngunit sa kabila ng pagiging tao ni Jesus ay sumasakanya ang Espiritu ng Diyos upang ialay siyang banal at walang kapintasan.
Malinaw ang pagkakilala ng mga tunay na hinirang ng Diyos kay Cristo Jesus.
Kinikilala nila si Jesus na DUMATING BILANG TAO, si Jesus ang ANAK NG DIYOS, at si Jesus ang SALITA NG DIYOS.
Ito naman ang pagkakilala ng sanlibutan kay Jesus: si Jesus ay TAO LAMANG, si Jesus ay NAGKASALA, si Jesus ay PROPETA LAMANG NG DIYOS.
Kanino ba nagpapakilala si Jesus na kapatid nila, sa mga makasalanan ba o sa mga binago ng Diyos at itinuring nang banal at matuwid?
Kanino ba nagpapakilala ang Diyos bilang diyos nila; sa mga napapahamak ba o sa mga naliligtas?
Kanino ba nagpakilala si Jesus ng buong-buo, sa sanlibutan ba o sa mga hinirang mula sa sanlibutang ito?
Iningatan ni Jesus na hindi siya makilala ng sanlibutang ito kaya ito ang kanyang paalala sa mga tao noong nasa lupa pa siya:
“Huwag niyo munang sasabihin ang mga bagay na nalaman niyo tungkol sa akin...”
At sinabi pa niya,
“Huwag ka munang kakapit sa akin sapagkat hindi pa ako nakakabalik sa aking Ama.”
Subalit gustong pangunahan ng diyablo si Jesus upang pagkamalang diyos si Jesus ng sanlibutang ito:
Nagpatirapa sila kay Jesus at sumisigaw ng ganito, “Panginoon naparito ka ba upang parusahan kami na hind6i pa napapanahon?”
“Ikaw ang Anak ng Diyos!”
Sa tingin niyo ba nalulugod si Jesus kapag ang tumatawag ng ganoon sa kanya ay mga masasama't makasalanan? Hindi! Sapagkat hindi siya Panginoon nila, at hindi niya nais magpakilala sa kanila at iniingatan ni Jesus na hindi siya kilalaning diyos ng sanlibutang ito.
Sa mga hinirang ng Diyos nalulugod si Jesus at ang pagpaparangal ng mga hinirang sa kanya ay nakapagpaparangal din sa Ama.
Hindi nagtagumpay ang diyablo sa balak nila upang sirain ang pagiging tao ni Jesus sa sanlibutang ito. Kundi nanatiling Cristo si Jesus sa mga hinirang lamang at hindi sa mga taga-sanlibutan.
Ang mga alagad ng Diyos ay dapat kilalaning alagad ng Diyos hindi sa sanlibutang ito kundi sa mga kapatid magpakilala.
Huwag mag hintay ng papuri ng sanlibutan sa iyo na siya pa amg mag sasabi ng ganito: ‘IKAW AY ALAGAD NG DIYOS!’
Sapagkat kahit sina Pablo noong tawagin sila ng ganoon ng batang babae ay hindi sila nalugod kundi pinalayas ang masamang espiritu na naroroon sa bata.
Ang karapat-dapat na magpakilala sa inyo sa sanlibutang ito ay ang inyong mga kapatid sa Iglesia.
Nalulugod ang Panginoong kung tamang paraan ang ginagawa ng mga taga-sunod niya.
TAYO ANG BINANSAGANG ILAW NG SANLIBUTAN! TAYO ANG MAGPAPAHAYAG NA SI JESUS ANG ANAK NG DIYOS AT HINDI ANG SANLIBUTANG ITO!
Huwag kayong matuwa sa mga papuri ng mga taga-salibutan kundi maghinagpis kayo sapagkat kinakaibigan kayo ni Satanas!
Mag iingat ang lahat laban sa kanila,
Sumainyo ang kapayapaan sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espititu Santo.
Sa pangalan ni Jesus lahat tayo ay magpuri sa Ama at sa kanyang Salita!
Amen.