04/10/2026
📖 2 Corinto 5:1–5
Ang Kahalagahan ng Tolda
Ang tolda ay isang pansamantalang tirahan. Ito ay gawa ng tao, marupok, at madaling masira. Hindi ito dinisenyo upang manatili magpakailanman.
Sa parehong paraan, ang ating katawan ay parang isang tolda—pansamantala lamang. Darating ang panahon na ito ay manghihina, tatanda, at tuluyang mawawala.
Ngunit may magandang pangako ang Diyos. 🙏
Kapag tinawag na Niya ang Kanyang mga anak, hindi na tayo mananatili sa isang marupok na “tolda.” Bibigyan Niya tayo ng bagong katawan—isang glorified body na hindi nasisira at hindi namamatay.
✨ Ang toldang ito ay pansamantala, ngunit ang tahanang inihahanda ng Diyos ay walang hanggan.
Kaya habang tayo ay nabubuhay sa pansamantalang katawang ito, patuloy tayong magtiwala sa Diyos at mamuhay para sa Kanya.
Our earthly tent is temporary, but God’s promise of an eternal home is forever. 🏕️➡️🏠✨