01/09/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ฃ๐ข๐บ ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ฃ๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ช ๐ข๐ต ๐ด๐ช ๐๐ฏ๐ข๐บ!
Ako si Sean, Altar Server for almost 8 years. Kung iisipin, mahaba-haba na rin 'yon. Pero to be honest, hindi ko akalaing ganito ang magiging journey ko. Noong una, simple lang ang iniisip ko: โSubukan ko lang, baka masaya.โ Pero noong sinuot ko na ang Alb/Sotana at tumayo sa Altar, iba pala talaga ang feelingโkaba, saya, at may bulong ni Lord na, โAnak, dito kita gustong gamitin, hubugin, at payabungin.โ
Noong Grade 6 ako, palagi kong nakikita ang mga grupo ng kalalakihan na pumupunta sa simbahan. Palagi kong iniisip kung sino at ano ba sila. Hanggang sa naglakas-loob akong magtanong sa kanila: โKuya, ano po ang inyong ginagawa sa simbahan?โ Sabay sagot nung isa, โSakristan kami, ading.โ Doon ako na-curious sa salitang โSakristan.โ
Isang araw, sinama ako ng aking lola sa simbahan, sabay sabi sa akin, โGusto mo bang maging kagaya nila? Sila ay mga alalay ni Father.โ Doon, mas lalo akong na-curious kung ano ba talaga ang kanilang ginagawa. At simula noon, palagi na akong sumasama sa aking lola para magsimba at para na rin mapanood ang ginagawa ng mga Sakristan. Mula noon, mas lalo pa akong naging curious. โMa, ano ba 'yang umuusok na 'yan?", "La, mabigat kaya 'yang hawak nila?", "Ma, mainit kaya 'yung suot nila?โ
Fast-forward. Nag-usap kami ng aking pinsan at napagkuwentuhan namin ang tungkol sa pagiging Sakristan. Tinanong niya ako, โGusto mo bang pumasok?โ Noong una, hindi pa ako makapagdesisyon kung kaya ko ba itong isabay sa aking pag-aaral. Maraming beses kong pinag-isipan kung itutuloy ko bang pumasok o hindi. Hanggang sa nagsabi ako sa aking Nanay na papasok ako sa pagsasakristan, at sabi naman niya, โOo, maganda 'yan. Pero ikaw, kung gusto mo.โ Hindi na ako mapakali noonโnaguguluhan at kinakabahan.
Noon din ay sinubukan kong mag-reach out sa aming adviser noong Grade 6, dahil siya rin ay nagsisilbi sa simbahan bilang isang Youth Minister. At sinabi niya sa akin, โMag-attend ka muna ng Mass every Sunday para ma-observe mo sila sa kanilang ginagawa.โ At doon, nabigyan pa ako ng panahon para mapagtanto kung gusto ko ba talagang maging isang sakristan.
Isang araw, pinuntahan na ako ng aking pinsan at sabi niya sa akin na siya daw ay nakapasok na at sila raw ay may practice sa susunod na Sabado. โPunta ka sa Sabado kung gusto mong pumasok.โ At dito sinasabi ko na sa isip ko na, โSubukan ko lang, baka masaya.โ
Hindi ako nakapunta noong Sabadong 'yon, dahil may lakad kami. Ngunit pinapunta ako ng pinsan ko ng Miyerkules ng hapon, at doon tinuruan kami ng mga kagamitan sa simbahan. Doon ko na nakita ang mga kagamitan ng sakristan na palagi kong tinatanong noon. At ilang linggo lang ang nakalipas, nakuha na namin ang aming pinatahing sotana, at pinagamit na rin ito sa amin kaagad. Pagkasuot ko pa lang ng aking sotana, parang may ibang pakiramdamโmay kaba, may saya, tapos parang may bulong si Lord: โAnak, dito kita gustong gamitin, hubugin, at payabungin.โ
At doon nagsimula ang pagbabago. Wala na 'yung dating simpleng batang palaging naglalaro kung saan-saan. Naging sakit ng ulo ni Mama dahil laro rito, laro roon, takbo rito, takbo roon. Noong mga panahong 'yon, parang napagtanto kong hindi na ako nage-enjoy sa laro dahil mas gusto ko na lang pumunta sa simbahan. Sobrang gaan sa pakiramdam pag nasa simbahan. Kahit minsan boring, sobrang tahimik, nakakaantok โ pero masaya lalo na kapag nandiyan na 'yung mga kasamahan mong nagse-serve. Diyan na magsisimula ang lahat: kulitan, asaran, at tampuhan.
Natuto akong maging disiplinado, kasi hindi pwedeng late. Natuto akong mag-manage ng oras, kasi kailangan kong pagsabayin ang school, bahay, at simbahan. Natuto akong magpakumbaba, kasi kahit gaano kaliit ang role mo โ kahit taga-abot ka lang ng kandila โ alam mong importante ka sa Misa.
Natutunan ko lahat dito. Mula noong pumasok ako sa simbahan, ito na ang naging pangalawang tahanan ko. Literal na tahanan, lalo na kapag Simbang Gabi, dahil uuwi na lang ako noon para magpalit at kumuha ng gamit, dahil matutulog kami roon para pag gising, diretso serve naโWALANG LIGO-LIGO!
2019โ2020, COVID-19 pandemic era. That time, gustung-gusto ko nang lumabas para makapag-serve pero bawal, dahil nga lockdown. Hindi na ako mapakali sa bahay. Buti na lang, hindi ito naging rason para mawalay o mapalayo ang loob ko sa Kanya. Bagkus, ito pa ang mas nagpalapit ng aking loob sa Kanya. Ang ginawa ko para hindi ako tuluyang mapalayo sa simbahan ay araw-araw akong nagdarasal at nanonood na lang ng Facebook Live ng mga online Mass.
Post-pandemic, dito ko naranasan ang isa sa pinakamasayang parte ng pagiging Altar Server. Dito kami mas naging close ng aking mga kapwa servers at YM. Dito mas naging active kami sa pagsama sa mga barrio Mass, na kahit 4-seater lang 'yung sasakyan ni Father noon, nagkakasya ang 5โ8 na tao roon. May mga barrio pa na mahirap talaga puntahan dahil nga sa daan, pero lahat kakayanin para lang maipalaganap ang Kanyang salita at ang Kanyang mga turo.
Noong July 2024, nagkaroon ng election para sa officer ng Youth Ministry. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko na kayang maging officer dahil nga nasa malayong lugar ako. Kaya hindi na ako nagpanominate sa kahit anong position sa Ministry of Altar Servers. Ngunit may iba pala Siyang plano para sa akin. Noong nasa election na ng Main Ministry (Youth Ministry), may nag-nominate sa akin for Youth Leader. Gustuhin ko mang tanggihan, alam kong bibigyan Niya ako ng lakas at liwanag para maging isang mabuting leader para sa mga kapwa kong kabataan.
Hindi naging madali ang lahat. May mga araw na pagod na pagod ako galing school. May mga oras na gusto ko na lang humiga. May mga misa na parang ang hirap gumising, lalo na kapag maaga. At oo, may mga times na naisip ko: โKaya ko pa ba?โ
May mga panahon talagang sobrang hirap, gaya ngayon na napalayo ako sa home parish at kailangang pumunta sa ibang lugar para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. At nakahanap rin ako dito ng part-time job para na rin makatulong sa aking mga magulang sa gastusin. Sobrang hirap. Gustuhin ko man umuwi para makapag-serve, pero hindi talaga kaya.
Pero alam niyo kung ano ang laging nagpapatuloy sa 'kin? Yung joy na makita mo ang mga taong taimtim na nagdarasal. Yung batang tumitingin saโyo at iniidolo ka. Yung simple at taos-pusong โsalamatโ ng pari pagkatapos ng Misa. At higit sa lahat, 'yung pakiramdam na ginagamit ka ng Diyos sa Kanyang Altar โ ibang klaseng saya 'yon, hindi kayang palitan ng kahit anong bagay.
Sabi nga sa Isaiah 6:8:
โNarinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, โSino ang aking susuguin? At sino ang pupunta para sa atin?โ At akoโy sumagot, โNarito ako, ipadala mo ako.โโ
Kaya sa mga kapwa ko kabataan diyan, iyon din ang tawag Niya sa atin ngayon. At ang sagot natin ay hindi dapat โBaka bukas na,โ o โKapag ready na ako.โ
Ang sagot natin ay NGAYON NA, dahil handa tayong maglingkod sa ating Hari!
Kaya sama-sama, buong puso, buong lakas, at may pananampalataya nating sabihin na: โNarito kami, Panginoon, handang maglingkod!โ