09/08/2026
Daughters of Mary Immaculate and Squirettes of Mary Immaculate - Mary Immaculate Circlette as the Hermana Mayores this upcoming fiesta on December is selling tickets for our parish’ “Raffle for a Cause” to be drawn on December 5, 2026 as part of the Parish Fiesta Activities!
Ang malilikom po mula sa raffle na ito ay gagamitin para sa pangkalahatang mga proyekto ng ating parokya, lalong-lalo na para sa pagpapagawa ng pathway o daanan para sa ating mga parishioners upang mas maging ligtas at komportable ang kanilang pagtungo sa ating simbahan.
Sa halagang P50.00 pesos lamang bawat ticket, hindi lamang kayo nakatulong sa ating mga kapwa parishioners at sa parokya, kundi may tsansa pa kayong maiuwi ang mga naglalakihang premyo:
1st Prize to 3rd Prize: Brand New E-Bike
at mga Consolation Prizes: Mga papremyong nagkakahalaga ng P5,000!
Paano at saan makakabili ng ticket?
Madali lang po! Mayroon pong inihandang booth ang DMI at SMI sa likod ng ating simbahan. Maaari po kayong lumapit at bumili ng inyong mga ticket pagkatapos ng misa at sa MIP Parish Office.
Tara na po at makiisa! Tumulong na sa magandang layunin at kayo na ang masuwerteng mag-uwi ng bagong E-bike ngayong Disyembre!
Maraming salamat po sa inyong bukas-palad na suporta at pagmamahal sa parokya. Pagpalain po kayong lahat ng Maykapal!