26/05/2026
TGITuesday
Kapatid..Kristiyano ka kasi tinanggap mo na si Jesus dyan sa puso mo..nagsisimba ka na nga e..nagdadasal ka pa nga e bago kumain..plus nagbabasa ka pa ng bible araw-araw..
Kaso natukso ka ng mundo..bumigay ka..nagka-crush ka..pumatol ka..nagpatattoo ka pa..pati ilong mo may hikaw pa..wow! Pantay na ang kilay mo..pak na pak!
Nagising ka ngani..nahihiya ka tuloy no? 🫣
Ang tanong mo ngani...🤔
“Nawawala ba ang kaligtasan o hindi?”
Isa ito sa mga tanong na matagal nang pinag-uusapan ng maraming Christians. May nagsasabing,
“Oo, pwede mo itong mawala.”
Meron namang nagsasabing,
“Hindi, dahil hawak ka na ni Lord.”
Pero baka ang mas mahalagang tanong ay hindi lang “Mawawala ba?”
kundi “Saan ba talaga nakasandal ang assurance natin?”
Ang totoo, may mga verses na nagbibigay ng matinding assurance,
“My sheep hear my voice… no one will sn**ch them out of my hand.”
John 10:27–28
At meron ding warning passages,
“Therefore let anyone who thinks that he stands take heed lest he fall.”
1 Corinthians 10:12
Kaya hindi ito simpleng usapin ng “kampi ka ba sa side A o side B.” Ang Bible nagbibigay ng parehong comfort at warning. COMFORT para hindi tayo mabuhay sa takot araw-araw na baka isang pagkakamali lang at tanggal na tayo sa pamilya ng Diyos. WARNING para hindi rin natin gawing excuse ang grace para mamuhay sa kasalanan.
Ganito siguro isipin natin,
Ang tunay na relasyon kay Jesus ay hindi parang prepaid load na biglang maeexpire. Hindi rin ito parang “bahala na, saved na ako kahit ano gawin ko.” Ang tunay na pananampalataya ay patuloy na lumalapit kay Cristo, kahit nadadapa, kahit umiiyak, kahit minsan mahina.
Kapag nadapa ang anak, hindi agad nawawala ang pagiging anak niya. Pero inaangat siya, tinuturuan, dinidisiplina, at ibinabalik sa tamang daan.
Kung natatakot ka ngayon at nagtatanong ka,
“Lord, saved pa ba ako?”
minsan ang concern na yan ay hindi laging sign na malayo ka kay God. Minsan sign din yan na gumagalaw pa ang puso mo papunta sa Kanya.
Hindi tayo maliligtas dahil magaling tayong kumapit kay Jesus. Naliligtas tayo dahil Siya ang unang mahigpit na humawak sa atin.
“He who began a good work in you will bring it to completion…” Philippians 1:6
Hindi takot ang nagpapatuloy sa atin, si Cristo..ang pag-ibig Niya sa atin..🤗
Kaya kapatid..wag kang lalayo..magsisi ng totoo pag nagkakasala..at wag ng uulitin nganiiii..pagpalain ka kapatid sa iyong journey bilang Kristiyano..wowwww! 😄