CCPC - Christ Covenant Presbyterian Church

CCPC - Christ Covenant Presbyterian Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CCPC - Christ Covenant Presbyterian Church, Religious organisation, Las Piñas.

06/01/2025
Para sa Kristyanong tunay na nananampalataya kay Kristo bilang Panginoon, ang paparating na bagong taon ay pagkakataon u...
30/12/2024

Para sa Kristyanong tunay na nananampalataya kay Kristo bilang Panginoon, ang paparating na bagong taon ay pagkakataon upang muling maranasan ang grasya at pagpapala bunga ng katarungan, kahabagan at kaligtasang mula Diyos.

KATARUNGAN - fruits of our justification because of who and what Christ has done for sinners like you and me and not any form or amount of goodness of our own.

KAHABAGAN - 365 days under the mercies of the Lord. Bawat araw na pagdanas ng habag ng Diyos sa mga bagay at pangyayari, hayag at di hayag.

KALIGTASAN - Protection of the Lord from all physical and spiritual harm.

Nawa’y gamitin ang lahat sa bagong taon ng buhay mo Kristyano upang makita, maunawaan, naiisin at maransan ng marami pang tao ang Katarungan, Kahabagan at Kaligtasan ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo na ating Panginoon.

Maging totoo at lubos nawa ito sa buhay mo. 🙏

Ito ang pangako ng Diyos sa lahat ng sa Kanya’y nagpapasakop at sumusunod🐑🐑🐑.Maging totoo nawa ito sa buhay mo. 🙏☝️God m...
29/12/2024

Ito ang pangako ng Diyos sa lahat ng sa Kanya’y nagpapasakop at sumusunod🐑🐑🐑.

Maging totoo nawa ito sa buhay mo. 🙏☝️

God morning 😊

Glorify the Lord today. He is worthy! ☝️🙏❤️
28/12/2024

Glorify the Lord today. He is worthy! ☝️🙏❤️

Ang Awit ni Zacarias“Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos: “...
18/12/2024

Ang Awit ni Zacarias

“Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan. Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa angkan ni David na kanyang lingkod. Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta, na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway, mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin. Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno, at aalalahanin ang kanyang banal na tipan. Ipinangako niya sa ating ninunong si Abraham, na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, upang tayo'y makapaglingkod sa kanya nang walang takot, at maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo'y nabubuhay. Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan, at upang ipaalam sa kanyang bayan ang kanilang kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Mapagmahal at mahabagin ang ating Diyos. Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan. Tatanglawan niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at papatnubayan tayo sa daan ng kapayapaan.” Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y nanirahan sa ilang, hanggang sa araw na magpakilala siya sa bansang Israel.”
‭‭Lucas‬ ‭1‬:‭67‬-‭80‬ ‭RTPV05‬‬
https://bible.com/bible/399/luk.1.67-80.RTPV05

“Ang Pamaskong Awit ni Zacarias”

Ano ang tono ng awit ng puso mo ngayong Pasko?

Naka tono ba ito ayon sa “komersyalismo” at “konsumerismo”?“ Sa mga regalong matatanggap at mabibili mo ngayong Pasko?

Si Zacarias ay “umawit” ng masayang awit ng papuri sa Diyos noong Pasko sa kanyang panahon at ito’y nakasentro hindi sa kung ano ang kanyang natanggap sa Panginoon bilang regalo - ang katuparan ng pagsilang ng kanyang anak na si Juan- ngunit nakasentro sa katangian, kabutihan at katapatan ng Diyos na kanyang pinaglilingkuran at sa pangako nito para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan sa pamamagitan ni Kristo na kanilang kaligtasan!

Dahil dito… Umawit sya ng buong saya at galak ng…

I. Awit ng Kapurihan para sa Diyos vv. 68-69

A. “visited” and “redeemed” v.68

the word “visited” not only suggest to mean “to inspect” or makita sila ng Diyos ngunit silay ay “bistahin at tulungang iligtas ng Diyos”

Tagalog: “tinulungan Nya at pinalaya ang Kanyang bayan” v.68

Exo. 4:31 says ““at naniwala ang buong bayan. Nang marinig nilang sila'y dinalaw ni Yahweh at hindi lingid sa kanya ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng mga Egipcio, yumuko sila at sumamba kay Yahweh.”
‭‭
Alam nating hindi natapos ang istorya ng bayang pinili ng Diyos, ang Israel, na alam lamang ni Yahweh or nakikita lamang ni Yahweh ang pag-alipin sa kanila ngunit sila’y “binisita” ng Diyos sa pamamagitan ni Moises at sila’y Kanyang “tinulungang” mahango mula sa pang-aalipin ng mga Egipcio.

Alam ni Zacarias ang kasaysayang ito at alam nya that God cares for His people.

Alam din nya na ang Diyos na ito ay makapangyarihan!

B. “raised a horn of salvation” v. 69

Th word “raised” would largely mean in the Bible “to give spiritual life from spiritual deadness” as in Eph. 5:14 at gayundin “to physically give life” as in John 5:21

God care for His people! God can surely save and give life to His people! Ito ang tamang tono, melodya at liriko ng awit ng puso ni Zecarias na naktuon sa katangian at kakayahan ng kanyang Panginoong Diyos at hindi sa regalong natamo nya mula rito.

Sanay ganun din ang tono, melodya at nilalaman ng awit ng puso mo ngayong Pasko!

II. Awit ng Pagtitiwala sa Katapatan ng Diyos vv. 70-75

Tapat ang Diyos sa mga salitang Kanyang binitiwan para sa kapakanan ng Kanyang bayang hinirang.

A. Pangakong binitiwan vv. 70-71
B. Pangakong kahabagan v.72
C. Pangako ng kaligtasan v.73-74
D. Pangakong katuwiran v.75

Hindi lang umawit ng pamaskong awit si Zecarias dahil karapatdapat purihin ang pagkalinga at kapangyarihan ng Diyos… umawit din sya ng awiting pamasko na nagpapahayag ng katapatan ng Diyos.

III. Awit ng Pagtanggap na Paglingkuran ang Diyos vv. 76-80

Nag-uumapaw ang puso ni Zecarias na awitan ang kanyang Panginoong Diyos. Dinala sya nito sa pagtanggap na sya at ang kanyang pamilya ay maghandog ng buhay para sa paglilingkod sa Diyos.

A. Ang anak ko’y maglilingkod sa Diyos na syang Panginoon vv. 76-77

“sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan” ito’y larawan ni John the Baptist na tinatawag ang mga tao sa kanyang kapanahunan na “magsisi at manampalataya kay Hesus.

B. Ako at ang aking pamilya’y maglilingkod ayon sa pagmamahal at habag ng Diyos vv. 78-80

Ang “pag-ibig at habag ng Diyos” ay hindi lamang nararanasan ng mga taong tapat na humihingi ng kapatawaran ng Diyos, gayun dina naman, dahil din lamang sa “pag-ibig at habag ng Diyos ang isang lingkod ay tapat na makapaglingkod upang ipahayag ng buong tapang at kapangyarahan na tawagin sa paniniwala ang mga tao tungkol sa mabuting balita ng kaligtasang mula sa Panginoon.

Nag-uumapaw sa galak ang puso ni Zacarias na umaawit ng may kahandaang paglingkuran ang Panginoon noong Pasko ng kanyang kapanahunan.

Naway mapuno rin ang ating mga puso ng tamang liriko, tono, melodya at tamang nilalaman ng awit ng buhay mo ngayong Pasko.

Nawa’y umawit ka ngayon at sa mga susinod pang Pasko ng buong papuri at galak…

1. Dahil para sa iyong sariling kapakanan… pinakamahalagang maranasan mo ang tunay na “pagkalinga at kapangyarihan ng Diyos” na ibinigay Nya bilang regalo sa papamgitan ni Kristo, higit pa sa anumang materyal na regalong matatangap mo o tinanggap mo na ngayong Pasko.

2. Dahil para sa kapakanan ng iba - mahalagang Ibahagi at awitin mo sa pandinig ng ibang tao ngayong Pasko ang kalinga, kapangyarihan at kapatan ng Diyos sa buhay mo. Higit na mahalaga sa anumang materyal na bagay na kaya mong iregalo.

3. Dahil para naman sa kagalakan at kapurihan ni Kristo - Panahon na! Na dumaan ang Paskong ito at ang mga susunod ng hindi ka naghahangad na ikaw ang makatanggap ng ragalo mula kay Kristo, bagkus, Ikaw ang mag regalo sa Kanya! Awitan mo Sya! Paglingkuran mo siya! Sa pamamagitan ng ng kahandaan mong Ibahagi sa iba ang naranasan mong kalinga, kapangyarihan, katapatan, pag-ibig at habag ng Diyos sa buhay mo.

Handa ka na bang unawit katulad ni Zacarias ngayong Pasko? ☝️🙏😇

Maligayang Pasko!

Rev. Erwin Ibeas

Si Zacarias na ama ng bata ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan. Nagsugo siya s

God morning.🌄Ang kahangahanga, makapangyarihan at mabuting gawa ng Diyos ay kaligtasan at katatagan ang dulot sa buhay n...
13/12/2024

God morning.🌄

Ang kahangahanga, makapangyarihan at mabuting gawa ng Diyos ay kaligtasan at katatagan ang dulot sa buhay ng Kanyang mga tinubos.

Loobin nawa ito ng Panginoon sa buhay mo.🙏 Amen.

“Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa, gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa, at sabihing lagi nila: “O...
12/12/2024

“Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa, gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa, at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”” Mga Awit‬ ‭70‬:‭4‬ ‭RTPV05‬‬

Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa, gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa, at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!”

Kalooban ng Diyos, Katotohanan ng Diyos, Kaligtasan mula sa Diyos.Ito nawa ang lamanin ng ating mga panalangin. 🙏🙏🙏 Amen...
11/12/2024

Kalooban ng Diyos, Katotohanan ng Diyos, Kaligtasan mula sa Diyos.

Ito nawa ang lamanin ng ating mga panalangin. 🙏🙏🙏 Amen.

His gracious mercies and many blessings daily poured into my life, may God use it so many people may realize their dire ...
09/12/2024

His gracious mercies and many blessings daily poured into my life, may God use it so many people may realize their dire need for salvation that can only be theirs through His mercy and blessing found in knowing who Jesus Christ is and what he has done.

Mangyari nawa ito sa buhay ng bawat Kristyano. 🙏🏻 Amen.

Let’s worship the LORD, He is worthy!☝️🙏❤️
07/12/2024

Let’s worship the LORD, He is worthy!☝️🙏❤️

Address

Las Piñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CCPC - Christ Covenant Presbyterian Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share