03/10/2021
πHUMARAP SA KAGIPITANπ
-Mateo 6:26-34
πMasdan ninyo ang mga ibon hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya'y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?.
πSino sa inyo ang makapagpapahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
πAt bakit kayo nababagabag tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang hindi sila nagpapagal ni humahabi man.
πNgunit ito ang sasabihin ko sa inyo maging si solomon ay hindi nakapagsuot ng kasing ganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya.
πKung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kina bukasa'y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? kay liliit ng pananalig ninyo sa kanya!
πKaya't huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakanin, iinumin, o daramtin
πSapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
πNgunit pagsumakitan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo.
πKaya, kuwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas saka na ninyo harapin kapag ito'y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin.
ππAMENππ