23/06/2026
Sa pagtatapos ng ating buwan ng pagdiriwang, pinaaalalahanan tayo ng Diyos na ang pananampalataya ay hindi lamang tungkol sa pananatili kundi tungkol sa pagbangon tungo sa bagong buhay na iniaalok ni Cristo.
As shared by our 5th Sunday Guest Speaker, Rev. Lizette Pearl Tapia-Raquel:
"Sa ating pananampalataya, napakaimportante ng pagbangon dahil napaka-central sa atin ng resurrection. Ang pagbangon ay hindi pagbabago ng pwesto o posisyon kundi muling pagkabuhay. Kaya pag sinabi nating 'Arise, and Build Together,' bagong buhay iyon. Muling pagkabuhay iyon para sa mga tao na matagal nang 'living dead.'"
Habang ipinagdiriwang natin ang ika-36 na anibersaryo ng Zion Pamplona United Methodist Church, ang hamon sa atin ay hindi lamang itayo muli ang mga pader ng pananampalataya, kundi hayaang buhayin muli ng Diyos ang ating mga puso, ang ating pag-asa, at ang ating pagtugon sa Kanyang tawag.
Tulad ng paanyaya sa Nehemiah 2:18 โ "Let's start rebuilding!" โ nawa'y sama-sama tayong bumangon sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Cristo at magpatuloy sa pagtatayo ng isang komunidad na nakaugat sa pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod.
Mga Kapatid, through God's grace, every rising is a new beginning, and every act of rebuilding is a testimony of His transforming power.
Sa Diyos ang lahat ng papuri, pasasalamat, at kaluwalhatian. ๐