18/10/2025
Maligayang Ika-32 Anibersaryo ng Pagkapari, +Most Rev. Nolly C. Buco, D.D.!
Sa araw na ito, ipinagpapasalamat natin ang 32 taong tapat at maalab na paglilingkod ng ating mahal na Obispo sa Panginoon at sa Kanyang Simbahan.
Salamat, Mahal naming Obispo, sa inyong halimbawa ng kababaang-loob, malasakit, at masigasig na pangangalaga sa kawan ng Diyosesis ng Catarman.
Patuloy po kaming nakikiisa sa panalangin para sa inyong kalusugan, karunungan, at biyayang patnubay ng Diyos sa inyong ministeryo.
Ad multos annos, Mahal naming Obispo!