11/04/2022
ALAMIN: Totoo ba na mga Paring Katoliko ang nagpapatay sa Panginoong Jesus?
hala basa...
๐MATEO 26:3-4
"Ang mga punong PARI at ang mga pinuno ng bayan ay nagkakatipon noon sa palasyo ng pinakapunong PARI na si Caifas. Binalak nilang ipadakip si Jesus nang lihim at ipapatay."
Ayan... malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw, letra por letra, mga PARI nga ang nagbalak na ipapatay ang Panginoong Jesus.
Oooopsss.. bago ka maguluhan, naisip mo ba kung....
๐คจAnong klaseng pari nga ba ang binabanggit sa Mateo 26:3-4?
Ito ang katotohanang hindi babanggitin sa atin ng mga anti-Catholics upang tayo ay tuluyang malinlang.
โ๏ธHindi po sila paring Katoliko gaya ng pinagkakalat ng mga anti-Catholics. Sila po ay mga paring hudyo, kabilang na si Caifas na isang Jewish High Priest.
Kapag pari, sa Catholic Church agad?
โ ๏ธTANONG: Ano ang kaibihan nila sa paring Katoliko?
๐SAGOT: Simple lang... sila ay hindi naniniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Mesias, ang ipinangakong tagapagligtas, ang bugtong na anak ng Dios.
Kitams diyan pa lang kitang-kita na ang pagkakaiba. Ang mga pari ng Catholic Church na pinangungunahan ng Santo Papa at mga Obispo ay kinikilala ang Panginoong Jesus bilang Panginoon, ang Mesias, ang Tagapagligtas, ang bugtong na Anak ng Dios.
Sa katunayan, ang mga paring Katoliko ay nagiging martir at pinapaslang dahil sa kanilang pananampalatay sa Panginoong Jesus.
โ๏ธMagkaiba po talaga sila.
Muli, sa mga anti-Catholics na nagpapakalat ng FAKE NEWS na paring Katoliko ang nagpapatay sa Panginoong Jesus, aral ho muna tayo ng history. Please lang, itinigil na natin ang panloloko.
Bunyag kayo ng bunyag, di naman kumpleto. Sasabihin pari, hindi naman nililinaw kung anong klaseng pari. Bakit hindi nyo ipaliwanag na JEWISH PRIEST ang paring tinutukoy sa Mateo 26:3-4?
Bakit kailangang manlinlang? Bakit ayaw sabihin ang tama?
At sa mga kapatid kong Katoliko, magpatuloy lang po tayo sa pag-aaral ng ating pananampalataya. Lamang ang may alam. Magtulungan po tayo sa pagbabahagi ng katotohanan.
Nawa tayo po ay lalong naliwanagan sa paksang ito. God bless you po.
-Bro. Admin