05/08/2026
The Power of Worship | Acts 16:16-40
Hindi hinintay nina Paul at Silas na mabuksan ang pintuan ng kulungan bago sila sumamba.
Sa gitna ng sakit, paghihirap, at kadiliman, pinili nilang manalangin at umawit ng papuri sa Diyos.
Minsan, gusto muna nating makita ang breakthrough bago tayo mag-worship.
Pero sa Acts 16, ipinakita sa atin na ang breakthrough ay dumarating sa mga pusong marunong sumamba sa mabuti man o mahirap na panahon.
Nang nagsimula silang sumamba, kumilos ang Diyos- lumindol ang kulungan, naputol ang mga tanikala, at higit sa lahat, may isang buong pamilya na nakilala si Jesus.
"Breakthrough will only come if you know how to worship in good times and in bad times."
Ptra. Eunice Garmino
Your worship can invite God's presence, strengthen your faith, and become the beginning of your breakthrough.
Anong season ang kinakaharap mo ngayon? Share it in the comments so we can pray with you.
Kung na-encourage ka sa message na ito, i-share mo rin para mas marami pang ma-remind na may kapangyarihan ang pagsamba.