Kapilya ni San Isidro Labrador - Daniw Liliw Laguna

Kapilya ni San Isidro Labrador - Daniw Liliw Laguna The Official page of the Roman Catholic Chapel of San Isidro Labrador - Daniw Liliw Laguna

18/05/2026

[May 18] A blessed birthday, Bishop Junie!

The diocese wishes its bishop continued good health, fulfillment in ministry, and holiness in life.

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Misa sa Karangalan ni San Isidro LabradorSa araw ng Kapistahan ni San Isidro Labrador ng Daniw sa ganap ...
11/05/2026

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Misa sa Karangalan ni San Isidro Labrador

Sa araw ng Kapistahan ni San Isidro Labrador ng Daniw sa ganap na ika-11 ng umaga nagkaroon ng Banal na Misa sa ating Kapilya. Ang bawat mananampalataya ng ating barangay maging ang mga mananampalataya ng mga karatig nating barangay ay dumalo sa Banal na Pagdiriwang. Ito ay pinangunahan ng ating Kura Paroko, Rev. Fr. Narciso Corvera Jr.

Sa bawat nagkakaisang mananampalataya naipakita ang pasasalamat sa biyayang natatanggap at gabay na nararamdaman. Mula sa Diyos sa pamamagitan ng ating Patron na si San Isidro Labrador.

Maraming salamat po sa lahat. Pagpalain nawa ang lahat ng ating Panginoon!

Viva! San Isidro Labrador ๐ŸŒพ
Salamat sa Diyos!

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Mother's dayKahapon, kasabay ng ating pagdiriwang ng Kapistahan ng ating patron ay isinagawa ang pagbaba...
11/05/2026

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Mother's day

Kahapon, kasabay ng ating pagdiriwang ng Kapistahan ng ating patron ay isinagawa ang pagbabasbas sa mga ilaw ng tahanan.

Bagama't tapos na ang araw na itinalaga para sa ating mga Ina ngayong araw, hindi naman doon kailangan matapos ang ating pasasalamat sa kanila. Ang araw kahapon ay paalala lamang ngunit ang araw-araw sa bawat taon ay ang ating pagkakataon na silaโ€™y ating pahalagahan at pasalamatan.

Nawaโ€™y patuloy rin gabayan ang ating mga Nanay ng Birhen Maria ang ating Mahal na Ina.

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026



๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Flores de Maria sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng FatimaSa kauna-unahang pagkakataon, kasabay ng prusis...
11/05/2026

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Flores de Maria sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Fatima

Sa kauna-unahang pagkakataon, kasabay ng prusisyon ng ating patron ay naigala rin sa ating komunidad ang isang titulong imahe ng ating Mahal na Birheng Maria. Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ni Maria.

Ave Maria! ๐ŸŒธ

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro LabradorSa ganap na ika-5 ng hapon, bisperas ng Kapistahan ni San I...
11/05/2026

๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro Labrador

Sa ganap na ika-5 ng hapon, bisperas ng Kapistahan ni San Isidro Labrador ng Daniw nagsimula ang Prusisyon sa karangalan ng ating Patron.

Ito ay dinaluhan ng mga mananampalataya ng ating barangay na matiyagang naglakad at sinamahan si San Isidro na libutin muli ang sinta nating komunidad. Bilang pasasalamat na rin sa mga biyayang natatanggap ng Kapilya ni San Isidro Labrador ito ay namahagi ng mga tinapay at candy sa mga batang nadadaanan ng prusisyon. Ang taos-pusong pasasalamat sa lahat na nagkaisa sa pananampalataya.

Viva! San Isidro Labrador ๐ŸŒพ
San Isidro Labrador, ipanalangin mo kami!




๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” | Banal na Misa sa Karangalan ni San Isidro Labrador๐ŸŒพ ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ,  ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€” Banal na Misa sa Karangalan ni San Isidr...
09/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” | Banal na Misa sa Karangalan ni San Isidro Labrador

๐ŸŒพ ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€” Banal na Misa sa Karangalan ni San Isidro Labrador
โ€” 10:30 AM

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating Banal na Misa sa Karangalan ng ating Patron na si San Isidro Labrador sa ating Kapilya.

Viva! San Isidro Labrador ๐ŸŒพ

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟOh mapalad na pintakasi naming poong San I...
09/05/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ

Oh mapalad na pintakasi naming poong San Isidro, ngayong sumasalangit kana, ay diya'y nakakatulad mo'y astrong nagniningning sa harapan ng Diyos, at dito sa mundong iniwan mong bangkay ay linoob ng Langit na hindi masira, at nang aming matanto ang mataas na kaliwalhatiang iginanti sa iyo ng Diyos, nauukol ngayon iyong lingapin itong matatapos naming pagsisiyam na pinagukulan ng aming pamimintakasi sa iyo at umaasa kami na pagpapalain mo ang aming karaingan. Sa dakila mong pag-ibig at pagpapala na namimintakasi sa iyo'y nananalig kaming di mo kami hahabagin, kay humahandog kami sa iyong pagtatangkilik at umaasa na iyong ipamintakasi sa Diyos na Panginoon, at papagkamtin ng buong ikagagaling ng aming kaluluwa't katawan. At sa oras ng aming kamataya'y dadalawin mo kami at ng marapat masama sa iyo magpasawalang katapusan. Siya nawa.

Magdasal ng 1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati na inihahandog sa kabanalan ni San Isidro.

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




๐Ÿญ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŒพIsang araw nalang at ipagdiriwang na natin ang Kapistahan ni San Isidro Labrador n...
09/05/2026

๐Ÿญ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŒพ

Isang araw nalang at ipagdiriwang na natin ang Kapistahan ni San Isidro Labrador ng Daniw! Pagdiriwang ng pananampalataya at masaganang ani mula sa kaniyang gabay at sa biyaya ng ating Panginoon.

Sama-sama tayong humingi ng panalangin sa Santong huwaran sa paggawa at pananampalataya.

Viva! San Isidro Labrador ๐ŸŒพ

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” | Bukas, bisperas ng Kapistahan ay magkakaroon po tayo ng Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro Labrador ๐ŸŒพ๐ŸŒพ ๐— ๐—”๐—ฌ...
08/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” | Bukas, bisperas ng Kapistahan ay magkakaroon po tayo ng Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro Labrador ๐ŸŒพ

๐ŸŒพ ๐— ๐—”๐—ฌ๐—ข ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€” Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro Labrador
โ€” 5 PM

Ang lahat po ng mananampalataya ay inaanyayahan na makiisa sa ating Prusisyon bilang pasasalamat sa ating pintakasi, San Isidro Labrador. Sa kanyang tulong at gabay sa ating mga ani sa tulong ng kanyang pananampalataya sa ating Panginoon at sa kaniyang huwarang paggawa.

Ang lahat po ay inaanyayahan dumalo at magsuot ng puting damit.

Viva! San Isidro Labrador ๐ŸŒพ

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟSa mapalad na pintakasi naming San Isidro...
08/05/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ

Sa mapalad na pintakasi naming San Isidro! Sa pananalig namin sa iyong kapangyarihan na kinakasihan ng Diyos ang iyong mga panalangin, palibhasa'y banal ka at maaawain, ay dumadaing kami sa iyong harapan, na bagama't isang magsasaka, ay pinakamamahal ka naman ng Diyos na pinagkalooban ng mga biyaya: kaya ulit-ulit ang aming pagpapasalamat at ikaw ay ginawang lingkod na hirang ng Diyos, na pinakarangal kang pinagkalooban ng kapangyarihan sa paggawa ng kababalaghan, at ikinararangal din ng Diyos ang pagpapala sa mga pagtawag ng mga namimintakasi sa iyo, kaya hinihingi namin sa iyo na pakundangan sa Diyos ay kami'y dinggin mo, saklolohan at bigyan g tuwa, kapagkarinig mo ng aming daing. Gayon ang aming pagasa at sampo ng awa na hinihingi namin bukod ay makamtan nawa namin, kung naaayon sa kalooban ng Diyos, Siya Nawa.

Magdasal ng 1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati na inihahandog sa kabanalan ni San Isidro.

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




๐Ÿฎ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŒพIlang araw nalang at muli nating ipagdiriwang ang Kapistahan ni San Isidro Labrado...
08/05/2026

๐Ÿฎ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—•๐—”๐—š๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŒพ

Ilang araw nalang at muli nating ipagdiriwang ang Kapistahan ni San Isidro Labrador ng Daniw! Pagdiriwang ng pananampalataya at masaganang ani mula sa kaniyang gabay at sa biyaya ng ating Panginoon.

Sama-sama tayong humingi ng panalangin sa Santong huwaran sa paggawa at pananampalataya.

Viva! San Isidro Labrador ๐ŸŒพ

Kapilya ni San Isidro Labrador | 2026




Address

Daniw, Liliw
Laguna

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ni San Isidro Labrador - Daniw Liliw Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share