29/05/2026
🌹 FLORES DE MAYO 2026 🌹
Ang buwan ng Mayo ay paanyaya ng pananampalataya at pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria Ina ng ating Panginoong Hesukristo at huwaran ng tunay na pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Sa pagdiriwang ng Flores de Mayo 2026, sama-sama nating ialay ang ating mga bulaklak, panalangin, at pusong nananalig bilang pasasalamat at pagpupugay kay Maria.
📅 May 30, 2026
📍 IFI Parokya ni San Jose
Brgy. Balaton, Lagonoy, Camarines Sur
“Nawa’y sa pamamagitan ni Maria ay lalo pang tumibay ang ating pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.”
Inaanyayahan po ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa banal at makabuluhang pagdiriwang na ito. 🙏✨