06/09/2026
๐ฆ๐ฒ๐ฝ. ๐ฌ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ II ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฃ๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ง ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐
Sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Reb. P. Luis R. Ibasco, Jr., isinagawa ang Banal na Misa at Pagtatalaga ng mga kasapi ng Parish Pastoral Council at Finance Council bilang pagpapatibay ng kanilang pagtugon sa misyong ipinagkatiwala sa kanila.
Ang pagtatalagang ito ay tanda ng kanilang panibagong komitment sa sama-samang pamumuno, pananagutan, at paglilingkod, lalo na sa tapat na pagpapatupad ng Planong Pastoral ng Parokya.
Nawaโy patuloy silang gabayan ng Espiritu Santo upang ang bawat plano, pasya, at gawain ay maging daan tungo sa isang Simbahang nagkakaisa, nakikibahagi, at sama-samang naglalakbay sa misyon ni Kristo.
Sama-sama sa pananampalataya, pakikibahagi, at paglilingkod.