07/09/2026
HALINAโT, SAMA-SAMA NATING KILALANIN ANG ATING KASALUKUYANG PARISH ADMINISTRATOR NA MAGIGING KAUNA-UNAHANG PARISH PRIEST NG ATING PAROKYA!
Sa paglipas ng maraming taon, naging makulay ang paglalakbay ng ating minamahal na parish administrator na si Rev. Fr. Jeffrey Sara Jagurin, RCJ, mula sa paghahanda sa kanyang bokasyon, paglilingkod sa ibaโt ibang pamayanan, hanggang sa patuloy na pag-aalay ng kanyang sarili para sa Simbahan at sa bayan.
Mula 2010 hanggang sa kasalukuyan, nasaksihan natin ang kanyang tapat na paglilingkod bilang Vocation Promoter, Prefect of Discipline, Treasurer, Local Superior, Parish Priest, at Parish Administrator sa ibaโt ibang lugar, maging sa labas ng bansa.
Sa bawat tungkulin, dala niya ang isang pusong handang maglingkod. Isang buhay na inialay sa Diyos, sa Simbahan, at sa Kanyang bayan.
At ngayon, sa pagtatatag ng Canonically Erected Holy Family Parish sa Talobatib, Labo, Camarines Norte, isang bagong kabanata ang kanyang tatahakin bilang unang Parish Priest ng ating parokya.
BANAL NA MAG-ANAK, IPANALANGIN MO KAMI
O, PANGINOON, MAGPADALA PO KAYO NG MGA BANAL NA ALAGAD SA IYONG SIMBAHAN ๐พ๐๐ป