21/11/2025
All Glory Belongs to God
Nakakatuwang makita na patuloy na lumalago ang ating mga kabataan sa tulong ng volunteers at CCDC interns na buong puso ang oras at lakas na ibinibigay para sa kanilang pagkatuto. 💛
Sa bawat pahinang nabubuksan, may bagong pangarap na nabubuo.
Sa bawat salitang nababasa, may pag-asang muling nabubuhay.
Tuloy-tuloy lang tayo sa paghubog ng mga batang handang mangarap at bumasa nang may pag-asa. 🌟