30/09/2026
_Text: Isaias 43:18-19, 2 Corinto 5:17_
> "Kalimutan na ninyo ang dating mga bagay... Masdan ninyo, gagawa Ako ng bagong bagay! Ngayon ay lilitaw na ito."
> "Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ay naging bago."
Marami gustong NEW SEASON pero OLD pa rin ang sarili.
- Gusto bagong blessing pero dating ugali pa rin.
- Gusto bagong opportunity pero dating takot pa rin.
- Gusto bagong level pero dating isip pa rin.
Hindi ka pwedeng magdala ng OLD YOU sa NEW SEASON.
Si Lord hindi lang gagawa ng bagong season, gagawa Siya ng BAGONG IKAW para sa bagong season.
3 BAGAY NA DAPAT MAGBAGO SA NEW SEASON:
1. NEW MINDSET - BAGONG ISIP
_Kung hindi mabago isip mo, babalik ka sa luma._
> Roma 12:2 - _"Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip."_
Old Mindset sa Old Season:
- "Hindi ko kaya"
- "Wala nang pag-asa"
- "Ganito na talaga ako"
New Mindset sa New Season:
- "Kaya ko sa tulong ni Cristo" - Fil 4:13
- "May pag-asa pa kay Lord"
- "Binabago ako ni Lord araw-araw"
Paano magka-New Mindset?
a. Tigilan ang pag-overthink ng nakaraan
b. Punuin ng Salita araw-araw - hindi ng chismis at FB
c. Samahan ang taong may new mindset din
Tanong: Anong dating isip ang kailangan mo nang iwan?
2. NEW HEART - BAGONG PUSO
_Maraming tao new season na pero sugatan pa puso._
> Ezekiel 36:26- _"Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu... Aalisin ko ang batong puso at papalitan ng pusong laman."_
Bago ka dalhin ni Lord sa bago, papagalingin muna puso mo galing sa luma.
Ano yung nasa puso mo galing sa old season?
- Galit dahil iniwan ka?
- Inggit dahil nauna sila?
- Takot dahil nabigo ka dati?
Hindi ka makakapasok sa New Season na may mabigat na puso.
Kailangan:
- Magpatawad- Hindi dahil okay sila, kundi para makalaya ka - Col 3:13
- Magbitaw - Bitawan mo yung taong bumitaw na sa'yo
- Magpagaling - Hayaan mong si Lord maghilom
Si Joseph bago naging governor sa new season, pinagaling muna puso niya. Nakita niya kapatid niya, wala nang galit. Kaya naging new siya.
*Declaration:* _"Lord, bigyan Mo ako ng bagong puso para sa bagong season."_
3. NEW WALK - BAGONG LAKAD / GAWI
_Faith without action is dead. New you dapat may new walk._
Efeso 4:22-24- _"Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay... at kayo'y magbago... at isuot ninyo ang bagong pagkatao."_
Old Walk:
- Tamad, puro reklamo, late lagi, cellphone lang
New Wal:
- Masipag, disiplinado, maaga, nananalangin
3 New Walk sa New Season:
a. New Walk in Obedience
Dati delayed ka sumunod. Ngayon, pag sinabi ni Lord, susunod ka agad kahit hindi mo pa gets - tulad ni Abraham.
b. New Walk in Holiness
Hindi ka na babalik sa dating bisyo, dating ka-chat, dating kasalanan na nagpahinto sa'yo sa old season.
- _New Season = New Standard_
c. New Walk in Purpose
Hindi ka na patambay-tambay. Sa new season, may assignment ka.
> Jeremias 29:11- _"Alam Ko ang plano Ko para sa'yo..."_
PAANO MAGING NEW YOU?
Hindi mo kaya magbagong mag-isa. Kailangan mo si Cristo.
3 Steps:
1. SURRENDER - Sabihin mo: "Lord, hindi ko kaya, Ikaw magbago sa akin."
2. STAY- Manatili ka kay Lord araw-araw. Hindi instant ang new you, daily yan.
3. STEP- Humakbang ka. Wag mo hintayin maging perfect bago kumilos. Kumilos ka habang binabago ka ni Lord.
Filipos 1:6 - _"Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan Niya sa inyo hanggang sa araw ni Cristo."_
Old season mo tapos na.
New season dumating na.
Ngayon, ikaw naman - NEW YOU.